Batangueñang Math Wizard, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Father’s Day 2018, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 18, 2018
World Blood Donor Day, Ipinagdiwang sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Dugo
June 18, 2018

June 18, 2018

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas noong ika – 18 ng Hunyo taong kasalukuyan, ang kahusayan ng isang batang Batangueña na si Sofia Uri Ysabelle L. Geronimo, na nagwagi ng silver medal sa 2018 International Mathematics Wizard Challenge na ginanap sa Jakarta, Indonesia noong May 5-6, 2018.

Tubong San Pascual, Batangas si Geronimo at kasalukuyang Grade 2 student sa Stonyhurst Southville, Batangas City. Unang sabak ng batang si Sofia sa international competition gaya nito. Aniya, nagsanay siya sa Saint Bridgette’s College (SBC) at karagdagang dalawang linggo naman ang kanyang ginugol sa Maynila upang masanay sa matematika para sa patimpalak na ginanap sa Indonesia.

Lubos itong ikinatuwa ng Ama ng Lalawigan dahil sa murang edad ay sanay na ito sa larangan ng numero’t aritmetika. Pormal na iginawad ang isang Certificate of Recognition at Cash Incentive para sa kanyang kagalingan sa Math.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.