Batangueñang empleyado ng Kapitolyo, multi-awardee sa WCOPA 2019

Higit 800 bags, nakolekta sa Tanauan Blood Olympics
August 2, 2019
Teenage Pregnancy Capability Building para sa mga Out-Of-School Youth, isinagawa sa Kapitolyo
August 5, 2019

August 5, 2019

Nagwagi ng pitong medalya, kabilang ang dalawang ginto, si Marian Gel Pesigan, isang Batangueña mula sa Bagong Pook, Lungsod ng Lipa, sa 23rd World Championship of Performing Arts (WCOPA 2019) noong ika-12 hanggang 21 ng Hulyo 2019 sa Long Beach, California, United States of America.

“Always believe in yourself and in God’s perfect timing,” payahag ni Pesigan, na kawani rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa ilalim ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO). “Stop hiding in your shell and step out of your comfort zone because everything that you can think or imagine is possible with faith, humility and perseverance.”

Sa Olympic-style international competition, kung saan nagpagalingan sa iba’t ibang performing arts ang mga kinatawan mula sa 73 na mga bansa, nanalo si Pesigan ng dalawang medalyang ginto para sa World Style Category at Group Production; apat na medalyang pilak mula sa Broadway, Latin and Rock at National Costume Category; at, medalyang tanso para sa Gospel Category.

Kasama ang kanyang mga magulang, na sina Ginoong Gerardo Pesigan at Ginang Cecilia Pesigan, ang 25-taong gulang na empleyado ng Kapitolyo ay binigyang parangal ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at PCLEDO Department Head Celia Atienza, sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-5 ng Agosto 2019.

MON ANTONIO A. CARAG III, Photo: Junjun de Chavez – BATANGAS Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.