Batangueña TOYM 2019 Awardee, Kinilala ng Kapitolyo

Salaban II Women’s Multi-Purpose Cooperative ng Ibaan: Bida sa Larangan ng Kooperatiba, Inspirasyon sa mga Kababaihan
March 9, 2020
Imprastraktura at Programang Pang-rehabilitasyon, Prayoridad na mga Pagawain para sa Taong 2020-2021
March 10, 2020

March 10, 2020

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang isang Batangueña mula Brgy.Tambo, Lipa City, na patuloy na naghahatid ng karangalan sa lalawigan.

Kasama ang kanyang mga magulang, personal na tinanggap ni Engr. Aisa Mijeno ang Plake ng Pagkilala mula kay Governor DoDo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-9 ng Marso 2020 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Naunang nakilala si Mijeno sa kanyang mahalagang kontribusyon sa agham at teknolohiya, nang maimbento niya ang Salt Lamp o Sustainable Alternative Lighting lamp, gamit ang tubig alat.

Dahil dito, nahirang siya, sa larangan ng science and green technology, bilang isa sa 10 awardees ng 2019 “Outstanding Young Men of the Philippines” (TOYM) na iginagawad taon-taon ng Philippine Jaycees (JCI), TOYM Foundation at Gerry Roxas Foundation.

Sa isang panayam, sinabi ni Mijeno na nagsilbing inspirasyon sa kanyang invention ang hangaring mabigyang liwanag ang mga malalayong barangays, na nananatiling walang kuryente sa panahong ito.

Kaya umanong magbigay ng liwanag ng isang Salt lamp sa loob ng walong oras, gamit ang isang basong tubig na hinaluan ng dalawang kutsarang asin.

Magugunitang taong 2015 ng mismong si dating US President Barrack Obama ang nagbigay papuri kay Mijeno bilang “Young Exemplary Entrepeneur” sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) Summit 2015 sa Maynila.

Ang nasabing invention ay tumanggap na rin ng iba’t-ibang awards at recognitions sa maraming bansa tulad ng Japan,Singapore,South Korea at Switzerland.

Ito rin ang naging dahilan kung kaya’t umani rin ng mga pagkilala si Engr.Mijeno, kabilang ang The 100 Most Influential Young Entrepreneurs 2018 sa Malaysia, Accelerate2030 2017 sa Switzerland, Philippine Tatler 50 Young Talents Awardee 2017, The Outstanding Women in Nations’ Service, at Tanging Bayani ng Kalikasan Award.

Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging co-founder at CEO ng Sustainable Alternative Lighting Corp., lecturer din siya sa College of Information,Technology and Engineering at Innovations Lab Director ng De La Salle University-Lipa.

Jhun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.