Batangueña Gymnast na Namayagpag sa Bangkok, Binigyang Pagkilala

BPDRRMO Chief, Nagbigay Ulat para sa Handa at Ligtas na Batangas
July 2, 2018
Child Development Workers’ Week Celebration Idinaos
July 2, 2018

July 2, 2018

Ginawaran ng Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangueña Gymnast na si Marian Josephine M. De Castro na humakot ng tatlong medalya sa naganap na Falcon’s Gymnastics Championship 2018 sa Bangkok, Thailand noong June 9-10 2018.

Ang 17 anyos na gymnast, na tubong Lemery, ay nakasali na sa walong international competitions, kung saan nakakapag-uwi siya lagi ng medalya para sa kanyang pamilya at bansa. Siya ay bunso sa 4 na anak nina Mr. EJ at Mrs. Peñafrancia De Castro at kasalukuyang Senior High School Student ng St. Paul College Pasig.

Sa ginanap na Falcon’s Gymnast Championship, nagwagi si De Castro ng isang gintong medalya para sa Floor Exercise, isang silver medal para sa Vault at isang bronze medal para sa Balance Beam. Kahanga-hangang taong 2011 lamang siya nakapag enroll sa isang Gymnastics Class para mahasa ang kanyang hilig sa larangang ito.

Payo ni Marian sa mga kapwa niyang kabataan na nagnanais mangarap at maging mahusay sa isport na kanilang kinahihiligan, “Kung gusto n’yo po talaga, gagawan n’yo po ito ng paraan kahit pa mahirap; kailangan ding tiisin ang lahat ng paghihirap para maabot ang inyong pangarap.” – JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Phtoto by: Eric Arellano – PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.