Batangas Tourism Media Circle, binuo ng Kapitolyo para sa local media practitioners

Batangas Capitol Program Assessment, matagumpay na idinaos; Gov. Dodo, nagpasalamat sa kaniyang 75th Birthday
March 25, 2019
Documentation of the Human Rights Situation of Persons with Disabilities, Isinagawa
March 27, 2019

March 27, 2019


Malaki ang kontribusyon ng industriya ng turismo sa pagpapalakas ng ekonomiya sa lalawigan at sa bansa kaya naman isa ito sa tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) at Batangas Tourism Council (BTC).

Para sa patuloy na paglinang sa turismo, minabuti ng PTCAO at BTC na magsawa ng isang consultation meeting, kung saan tinipon ang mga local media practitioners, mula sa mga larangan ng radyo, telebisyon, print o dyaryo, at digital, sa Batangas Province noong March 27, 2019 sa PTCAO Office, Capitol Compound, Batangas City.

Isa sa pangunahing paksa sa pagtitipon ang inisyatibo ng BTC na buuin ang Batangas Tourism Media Circle, na magiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong panturismo sa probinsya upang higit na makaakit ng mga bisita at mapataas ang kita ng mga pasyalan dito sa pamamagitan ng destination marketing; mapagtuunan ang paggamit ng e-tourism technology; at, mapaghusay ang content publishing at distribution ng local media.

Kaugnay dito, tuwirang ipinahayag ng mga dumalong local media practitioners ang kani-kanilang mga komento at rekomendasyon sa kasalukuyang estado ng turismo sa lalawigan. Isa sa mga nabanggit ang kawalan ng isang festival na magsisilbing pagkakakilanlan ng Batangas Province.

Malugod na tinanggap ni Mr. Sonny Lozano, presidente ng BTC, ang mga mungkahi ng media. Ibinahagi naman niya na sa kasalukuyan ay nasa ika-anim na pwesto na ang Batangas sa tala ng Richest Provinces sa bansa.

Lubos na ikinatuwa naman ni PTCAO Department Head, Atty. Sylvia Marasigan, ang aktibong partisipasyon ng mga nakilahok sa pagtitipon. Aniya, mahalagang mapakinggan ang media sector lalo na at hindi maikakaila na malaki ang ginagampanan nito sa patuloy na pagpapalago ng turismo sa lalawigan.

Napagkasunduan naman ng pamunuan ng BTC at PTCAO na gawing regular ang pakikipagdayalogo sa local media, upang matugunan ang mga usaping panturismo at mas mapatatag ang kampanyang “Food, Fun, Faith” para sa isang Richer Batangas. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.