Batangas SP, Complete Attendance sa Unang Regular Session

OWWA Region IV-A, Binigyang Pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
July 7, 2022
Pagsasanay sa DRRM at First Aid, Isinagawa
July 8, 2022

July 7, 2022

Complete attendance ang mga board members ng Lalawigan ng Batangas sa ginanap na unang regular na sesyon ng Ikalabing-isang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas noong ika-4 ng Hunyo 2022 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, na pinamunuan ni Vice Governor Mark Leviste.

Pinagtalakayan ng mga lokal na mambabatas ang mga mamumuno at magiging mga miyembro ng iba’t ibang mga komitiba ng SP.

Personal namang dumalo at nag-courtesy call sa sanggunian at sa tanggapan ng gobernador ang kinoronahang Miss Aura Philippines 2022 na si Ms. Micca Rosal ng Agoncillo, Batangas. Nagwagi si Rosal sa pageant na ginanap noong ika-25 ng Hunyo 2022 sa Shangri-La Place, Mandaluyong City, kung saan ipinakilala niya bilang isang magandang tourism destination ang kanyang bayan, ang Munisipalidad ng Agoncillo, na nasa tabi ng Lawa ng Taal at Bulkang Taal, at mga karatig bayan nito.

Matapos ang kaniyang courtesy call sa sanggunian, nagtungo rin si Rosal sa tanggapan ni Governor DoDo Mandanas, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon upang personal na maibahagi sa gobernador ang kwento sa likod ng kaniyang pagkapanalo.

Si Rosal ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa darating na Setyembre 2022 sa Miss Aura International na gaganapin sa Antalya, Turkey.

Babylyn Coz-Paña / Photos: Jun-jun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.