Batangas Provincial School Board nag-ulat

Pagsasanay ng Mango Farmers sa Batangas, isinagawa
June 17, 2019
Vegetable production training, isinagawa ng Prov’l. Agri Office
June 17, 2019

June 17, 2019

Ibinahagi ng Batangas Provincial School Board (PSB), sa pamamagitan ni Engr. Evelyn Estigoy, ang PSB Secretariat Head, ang kasalukuyang kalagayan at mga natapos na proyekto ng PSB sa unang dalawang quarters ng 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-17 ng Hunyo 2019.

21 construction projects, na nagkakahalaga ng ₱270 Milyon, ang ginugulan, kabilang ang konstruksyon ng 18 mga bagong school buildings at 2 open classrooms, at repair at improvement ng isang school building.

Ang PSB ang siyang nangunguna sa operasyon at pagpapanatili ng mga pampublikong paaralang may natatanging mga kurikulum at pagdadalubhasa, tulad ng Batangas Province High School for Culture and Arts at Batangas Province Science High School. Nasa finalization stage naman ang pinag-aaralang pagbubukas ng Batangas Province High School for Sports.

Nakatutulong rin ang PSB sa operasyon at pagpapanatili ng mga public schools sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, kung saan 421 schools ang nabigyan ng mga pintura, yero, plywood, arm chairs at teachers’ tables.

Bilang ayuda naman sa mga guro, 157 laptops ang naipamahagi ng PSB, kabilang ang computer software na English Computerized Learning Program (ECLP), na naglalayong gawing mas globally competitive ang mga mag-aaral na Batangueño. Bryan Louise N. Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.