Batangas Provincial Prosecutor, Nagbigay Ulat

₱8.2 Bilyong Pondo ng Batangas Capitol sa 2020, ilalaan sa pagpapalawig ng mga proyekto ng H.E.L.P. Program
January 6, 2020
Notice of Vacant Position
January 8, 2020

January 6, 2020

Pamahalaang Panlalawigan, tiniyak ang patuloy na suporta sa tanggapan

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-6 ng Enero 2020, iniulat ni Batangas Provincial Prosecutor, Atty. Lourdes G. Ramirez-Zapanta, ang mga kasalukuyang ginagawa ng kanilang tanggapan.

Ang Office of the Provincial Prosecutor o OPP ang itinalagang tanggapan na magsisilbing kinatawan ng Kagawaran ng Katarungan sa Lalawigan ng Batangas. Ayon kay Atty. Zapanta, misyon ng kanilang opisina na magbigay ng serbisyo ng pag-uusig sa bawat kasong criminal, na tumatalima sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng etikal, patas, makatarungan, at mahusay na pagsisiyasat.

Responsibilidad din ng OPP na mangasiwa ng mga inquest proceedings, preliminary investigations, at filing of information.

Ibinahagi rin ni Atty. Zapanta na, simula Enero hanggang Nobyembre 2019, nakapagtala ang kanilang opisina ng 1,820 kabuuang bilang ng kasong natanggap para sa preliminary investigations at 2,108 kaso para naman sa inquest o ang mga natatanggap na kaso na ang nasasakdal ay nahuli ng walang warrant of arrest.

Ipinaliwanag pa niya na ang mga inquest cases ay ang mga nahuli sa akto na gumagawa ng krimen at may sapat na datos o sirkumstansya ang arresting officer, na magpapatunay na nakagawa ng krimen ang isang indibidwal.

Dagdag pa ng Provincial Prosecutor, lahat ng criminal cases sa buong lalawigan ay dumadaan sa kanilang opisina kaya nanalangin sila sa Panginoon na bigyan sila ng gabay sa araw-araw upang makapaglingkod ng tama.

Malaki naman ang pasasalamat nito kay Governor DoDo Mandanas sa tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, mula sa pondong inilalaan para sa mga kawani na nakatalaga sa OPP hanggang sa mga karagdagang honorarium para sa lahat ng prosecutors sa buong lalawigan.

Sa talumpati ni Governor Mandanas, binigyang-pugay niya ang bawat isang naglilingkod sa Office of the Provincial Prosecutor at nangakong makakaasa ng patuloy na suporta.

Binigyang-diin din ng gobernador na wala pag-unlad kung walang kapayapaan, at upang makamit ang kapayapaan kinakailangan umano na manaig ang katarungan at katotohanan.

Mark Jonathan M. Macaraig, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.