Batangas Province, wagi sa 1st National Anti-Drug Abuse Awards

Medical, Surgical & Dental Mission 2019, Isinagawa sa Apacible District Hospital sa Nasugbu
February 8, 2019
Impormasyon para Makaiwas sa African Swine Flu, Ipinapakalat ng Batangas ProVet
February 12, 2019

Sama-samang Pagkilos Laban sa Droga. Makikita sa larawan ang personal na paghahandog kay Governor Dodo Mandanas ng mga miyembro ng Batangas Provincial Anti-Drug Abuse Council ng pagkilalang iginawad ng DILG, na kumikilala sa Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy nitong kampanya laban sa iligal na droga. Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

February 11, 2019

Sama-samang Pagkilos Laban sa Droga. Makikita sa larawan ang personal na paghahandog kay Governor Dodo Mandanas ng mga miyembro ng Batangas Provincial Anti-Drug Abuse Council ng pagkilalang iginawad ng DILG, na kumikilala sa Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy nitong kampanya laban sa iligal na droga. Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas dahil sa mahusay at matagumpay na pagsunod nito sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang iligal na droga sa bansa, sa ginanap na 1st National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards noong ika-28 ng Disyembre 2018 sa The Manila Hotel, Rizal Park, Ermita, Manila.

Ang nasabing recognition ay pormal at personal na inihandog kay Governor Dodo Mandanas, Chairperson ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), sa pangunguna nina Batangas DILG Provincial Director Adelma Mauleon at Dr. Amante Moog, department head ng Provincial Assistance for Community Development Office at chairperson ng Technical Working Group ng nasabing konseho, noong ika-4 ng Pebrero 2019 sa Batangas Provincial Auditorium.

Ang Provincial Government of Batangas ay nagkamit ng high functionality points sa pagitan ng iskor na 85 hanggang 99 porsiyento, sang-ayon sa isinagawang 2017 ADAC Performance Audit ng DILG, upang mapabilang sa 241 na outstanding local government units sa buong bansa na binigyan ng pagkilala ng kagawaran.

Layunin ng performance audit na matiyak ang patuloy na pagganap ng mga ADAC gamit ang pamantayan sa pagsusuri, tulad ng organisadong lokal na anti-drug abuse council, pagpapatupad ng mga plano at programa, paglalaan ng pondo, at pagsasawaga ng regular na pagpupulong.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang aksyon ng bawat ahensya at departamentong kasapi ng Batangas PADAC, sa pakikipagtulungan na rin sa mga komunidad, upang maideklara ang lalawigan na ligtas sa ipinagbabawal na gamot at magsilbing inspirasyon ng ibang lugar sa bansa hinggil sa pagsugpo sa nasabing problemang panlipunan. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.