Batangas Province Tumanggap ng Ayuda para sa Sustainable Livelihood Program

Coop Month Celebration ng PCLEDO, Handa Na
October 3, 2017
Lodlod NHS, Kampeon sa 2017 Tanghalang Pangmamimili ng DTI Batangas
October 4, 2017

October 3, 2017


Pormal na iniabot kay Batangas Governor Dodo Mandanas ni Dept. of Social Welfare and Development Asst. Sec. Jose Antonio Hernandez ang tsekeng nagkakahalaga ng PhP 49,974,061.00, saksi ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga kawani ng Kapitolyo ng Batangas, noong ika-2 ng Oktubre 2017 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Binigyang-diin ni ASec. Hernandez, kasama si DSWD Region IV-A Assistant Regional Director Annie Mendoza, na mas madaling nakakapagproseso ng hinihiling na tulong mula sa national government kung ang pondo ay well-liquidated ng mga nabigyang ayudang ahensya o tanggapan.

Ang pondong ito ay nakalaan para sa Sustainable Livelihood Program, sa pamamagitan ng PSWDO sa pangunguna ni Department Head Joy Montalbo, na ang layunin ay mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga napapabilang sa mga indigent families ng lalawigan. Nakalaan din ang pondong ito para sa mga 4P’s members upang mabigyan sila ng mga trainings o pagsasanay na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Ayon sa tanggapan ng PSWDO, nahahati sa tatlong  mahahalagang proyekto ang pagkakagastusan ng nakalap ng pondo. Ito ay ang mga proyektong  Micro Enterprise Development, Employment Facilitation Project at Community Core Group Formation. Pre-identified na din ang mga recipients na tatanggap ng tulong mula sa kanilang tanggapan.

JJ Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.