Batangas Province, SGLG Post Conferment Qualifier Awardee

Executive Planning ng mga Opisyal ng Batangas Provincial Government Isinagawa
March 6, 2018
Notice of Vacant Positions
March 6, 2018

Seal of Good Local Governance. Personal na iniabot ni DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Post-Conferment Qualifier award kay Batangas Gov. Dodo Mandanas noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Tinanggap ni Gov. Mandanas ang pagkilala kasama ang ilang department heads at Sangguniang Panlalawigan Board Members sa harap ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

March 6, 2018.

Pormal na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Post-Conferment Qualifier award noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Nakasama ang Lalawigan ng Batangas sa mga good governance awardees matapos mapatunayan ng DILG na nakapasa ito sa lahat ng criteria para 2017 SGLG award.  Personal na iniabot ni DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon ang nasabing certificate kay Batangas Gov. Dodo Mandanas sa harap ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Sa Certificate of Recognition, na may petsang February 7, 2018, nakasaad na ang pamahalaang panlalawigan ay nakapasa sa mga batayan, bagaman at nakumpleto lamang nito ang lahat ng requirements – kabilang ang core criteria na financial administration, disaster preparedness, social protection, and peace and order, at essential areas ng business friendliness and competitiveness, tourism, culture and the arts, and environmental protection – pagkatapos ng assessment period.

Kasama ng provincial government na nabigyan ng Post-Conferment Qualifier award ang Lungsod ng Lipa at bayan ng Cuenca.  Nauna nang naging 2017 SGLG awardees ang Lungsod ng Batangas, Bauan at Malvar.

Ayon sa DILG, ang 2017 SGLG Post-Conferment Qualifier award ay napagkasunduang ibigay sa mga LGUs na patuloy na nagtrabaho at nagsikap na makumpleto at makapasa sa lahat ng SGLG criteria hanggang Disyembre 2017.

Niliwanag din ng ahensya na ang mga late qualifier LGUs ay hindi na mabibigyan ng SGLG Marker at ng Performance Challenge Fund (PCF).  Eligible na lamang ang Batangas Kapitol sa 2017 Good Financial Housekeeping Certification.

Ang SGLG ay inilunsad noong 2014 para masukat at maipamalamas ng mga LGUs ang pagpapatupad at pagsasabuhay ng good governance sa kanilang pagbibigay ng public service.  Nauna nang nakuha ng Batangas Provincial Government ang SGLG awards noong 2015 at 2016.  Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.