Batangas Province Scholarship Program, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi sa mga Estudyante

P3 Milyon Loan Assistance Ipinaabot sa Koop Batangan
October 1, 2018
Batangueño Math Wizards, Namayagpag sa Ibang Bansa
October 2, 2018

October 2, 2018

Nabiyayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang 912 mag-aaral ng kanilang scholarship grants para sa 1st semester ng 2018 noong ika-1 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Pinangunahan ng Scholarship Division, sa pamumuno ni Gng. Merly Pasatiempo, ang pagtitipon ng mga Batangueño students katuwang ang mga kawani ng Provincial Treasurer’s Office – Cash Division.

Sa naging paalala ng Ama ng Lalawigan sa mga iskolar, binanggit nitong isang napakalaking pagsubok ang pag-aaral sapagkat napakadaming balakid ang dumadating sa buhay ng isang estudyante at maging sa pamilya nito, lalo na sa larangan ng pananalapi. Kaya dapat aniyang gamitin nang maayos ang natatanggap mula sa pamahalaan at maging inspirasyon ito upang makakuha ng matataas na marka at makapagtapos. ✎ JHAY ¬JHAY B. PASCUA, Photo: Luigi Miguel Comia – PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
8

Comments are closed.