Batangas Province nagdeklara ng State of Calamity

435th Batangas Province Foundation Celebration, Tagumpay
December 12, 2016
Blood Olympics 2017
January 11, 2017

Agarang Serbisyo Publiko. Mabilis na kumilos ang mga kasapi ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para maalis ang malaking punong itinumba ng malakas na hanging dala ni Typhoon Nina at humarang sa isang kalye sa Batangas City noong Disyembre 26, 2016 (Itaas). Idineklara ang State of Calamity sa buong Lalawigan ng Batangas noong Disyembre 27, 2016, sa mungkahi ni Gov. Dodo Mandanas at inaksyunan ng Sangguniang Panlalawigan sa isang special session, na pinangunahan ni Vice Gov. Nas Ona. (Ibaba) Pinangunahan naman ni Gov. Mandanas ang post-disaster assessment meeting sa Batangas Capitol para dagliang makapaghatid ng ayuda sa mga kababayan. Vince Altar / Photos: Eric Arellano – PIO Capitol

December 28, 2016

Idineklara ang State of Calamity sa buong Lalawigan ng Batangas noong Disyembre 27, 2016, isang araw pagkatapos manalasa ni Typhoon “Nina” na nagpatumba ng malalaking puno at poste ng kuryente, at nagpalipad ng mga bubong ng bahay.

Matapos ang inisyal na pagtataya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kaagad iminungkahi ni Gov. Dodo Mandanas ang pagsasailalim sa lalawigan sa State of Calamity, na agaran namang inaksyunan ng Sangguniang Panlalawigan sa isang special session, na pinangunahan ni Vice Gov. Nas Ona, kung saan ipinasa ang Resolution No. N-397-2016 (Declaring the Entire Province of Batangas under State of Calamity due to “Typhoon Nina”).

Mahigit tatlong libong pamilya o lampas sa 12,000 indibidwal ang naapektuhan sa kasagsagan ng bagyo noong Disyembre 26, 2016. Higit tatlong libong mga bahay naman ang nawasak, pinakamarami sa Tingloy na 250 ang totally damaged habang 1,303 ang nagtamo ng mga bahagyang sira.

Nag-landfall si Bagyong Nina, na may dalang 185 kph na hangin malapit sa gitna at bugsong umabot sa 215 kph nang dumaan sa Batangas, sa island Municipality ng Tingloy, kung saan nawasak ang pier. Lumubog naman malapit sa Tingloy ang ferry, MV Starlight Atlantic, na naging dahilan ng pagkawala ng 18 nitong crew members at pagkalunod ng isa. 16 naman sa crew ng nasabing barko ang nailigtas. Tumaob din dahil sa malalaking alon at malakas na hangin ang MBCA San Miguel 12 sa baybayin ng Lobo, Batangas, pero nailigtas naman ang walo nitong crew.

Sa pangunguna ni Gov. Mandanas at over-all coordination ni PDRRMO chief Lito Castro, kasalukuyang nagsasagawa na ang pamahalaang panlalawigan ng mga relief operations partikular sa Tingloy, Mabini at Isla Verde sa Batangas City. Vince Altar – PIO Capitol

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply