Batangas Province IATF Situation Report (April 2, 2020)

Recovered COVID-19 Patients sa Lalawigan ng Batangas, Patuloy na Nadaragdagan
April 1, 2020
RESOLUTION NO. 267 YEAR 2020 – PROVIDING FOR THE PASSAGE OF AN ORDINANCE PROHIBITING AND PENALIZING ANY FORM OF DISCRIMINATION AGAINST A PERSON INFECTED AND RECOVERED, UNDER MONITORING OR INVESTIGATION DUE TO COVID-19 VIRUS, MEDICAL AND NON-MEDICAL FRONTLINERS DURING PUBLIC HEALTH CRISIS
April 3, 2020

April 2, 2020

Sa ginanap na pagpupulong ng Batangas Provincial Inter-Agency Task Force (IATF), April 2, 2020, napagtalakayan ang mga sumusunod:

Ayon kay Ginoong Carlo Cabasag ng Batangas Provincial Department of Health Office (PDOHO), kasalukuyang isinasagawa ng kanilang tanggapan ang mga contact tracing na nagpapatunay na umiiral ang local transmission sa lalawigan, at ang marami sa mga kompirmadong kaso ng COVID-19 ay nakukuha mula sa mga taong may travel history o nanggaling sa labas ng Batangas.

Magsasagawa aniya ang kanilang team ng specimen collection sa mga Bayan ng Taal and Mataas na Kahoy ngayong araw ng Huwebes, April 2, 2020.

Iniulat naman ng kinatawan ng Batangas Medical Center (BatMC) Surveillance Unit na ang BatMC ay hindi makatatanggap, sa ngayon, ng mga walk-in patients dahil ang kanilang wards at rooms ay pawang mga puno. Humingi rin ng tulong ang BatMC para agarang makakuha ng gamot na chloroquine, na ginagamit sa treatment ng mga COVID-19 patients.

Iminungkahi ni Dr. Gerald Alday, PHO Medical Officer at Incident Commander para sa Batangas Province IATF, na telemedicine o ang pagsusuri ng mga pasyente gamit ang telecommunication technology at internet para sa medical consultation ng mga Taal Volcano evacuees na naninirahan sa Interim Homes sa Malainin at Talaibon sa Ibaan.

Ayon pa kay Dr. Alday, ipinaaalam ng pamunuan ng Mary Mediatrix Medical Center sa Lungsod ng Lipa na plano nilang pansamantalang magsara ng kanilang mga pasilidad dahil karamihan ng kanilang medical staff ay sumasailalim sa self-quarantine, at kinakailangang magsagawa ng paglilinis at disinfection ng kanilang hospital premises.

Ibinahagi naman ni Police Major Joel Alvarez ng Batangas Provincial Police Office na nakapagtala sila ng 151 na mga nahuling sibilyan dahil sa paglabag sa curfew hours.

Mula naman sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), iniulat ni Ms. Adelia Macaraig na maraming natatanggap na mga tawag at mensahe ang kanilang tanggapan tungkol sa pamamahagi ng social amelioration funds, subalit wala pang ibinababang form para dito ang kanilang central office. Dagdag pa ng kinatawan ng PSWDO, ang mga Municipal at City SWDO ang gagawa at magsasaayos ng mga magiging benepisyaryo nito na magmumula sa vulnerable groups, at ipamamahagi sa kani-kanila mismong mga bahay.

Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.