Batangas PPMC, Wagi sa Ikalawang Sunod na Pagkakataon Bilang Outstanding Local Project Monitoring Committee

6th Batangan Pride March Celebration, Ipinagdiwang
July 2, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF 9,390 TABLETS OF FAVIPIRAVIR 200MG FOR USE OF PATIENTS CONFINED UNDER ISOLATION FACILITIES AT BATANGAS PROVINCE
July 2, 2021

July 2, 2021

Isang malaking karangalan ang nakamit ng Batangas Provincial Project Monitoring Committee (PPMC) matapos hirangin bilang 2021 Oustanding Local Project Monitoring Committee para sa pamprobinsyang kategorya sa ginanap na 2nd Quarter Meeting ng Regional PMC.

Iginawad ang Plaque of Recognition at premyong gift certificate sa panlalawigang konseho, ang ikalawang sunod na pagkilala dito matapos ang kaparehong panalo noong taong 2020, noong nakaraang buwan ng Hunyo 2021, kaalinsabay ng idinaos na Full Council Meeting ng Regional Development Council.

Nakamit ng Batangas PPMC ang pagkilala matapos makakuha ng pinakamataas na puntos sa isinagawang masusing ebalwasyon at pagtatasa ng 2020 Accomplishments, at sa pamamagitan ng ginawang review and validation ng lahat ng mga isinumiteng kaukulang dokumento.

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naturang validation, kasama ang iba pang mga kinatawang miyembro ng Evaluation Committee na kinabibilangan ng National Economic and Development Authority, Department of Budget and Management, Office of the President – Presidential Management Staff, at tatlong Regional Development Committee private sector representatives.

Ang Search for Outstanding Local Project Monitoring Committee ay isinasagawa ng CALABARZON Regional PMC kada taon upang ma-enganyo, mapalakas, at mapanatili ang tuloy-tuloy na Local PMC operations at kilalanin ang mga magagandang kasanayan ng bawat isang lokal na PMC.

Ang Batangas PPMC ay pinangungunahan nina Provincial Planning and Development Coordinator, Benjamin I. Bausas, bilang Chairperson, at DILG Batangas Provincial Director Abigail Andres, na tumatayong Vice Chairperson. Ang mga kasaping miyembro naman ng komitiba ay sina Sangguniang Panlalawigan Committee on Appropriations Chairperson at 3rd District Board Member Jhoanna Corona-Villamor; League of Municipalities of the Philippines – Batangas President at San Jose, Batangas Mayor Valentino R. Patron; Provincial Budget Officer Victoria Culiat; Philippine Chamber of Commerce and Industry Batangas Chapter President, Engr. Paul Mercado; at Citizens Crime Watch – Malvar President Rowena Murillo.

Samantala, labis namang ikinatuwa ni RDC CALABARZON Chairperson at Batangas Governor DoDo Mandanas ang tagumpay na nakamit ng Batangas PPMC na magsisilbi aniyang inspirasyon upang mas mapagtibay pa ng samahan ang pagtupad sa kanilang mga tungkulin, at maisakatuparan ang magagandang plano na magbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa kaunlaran ng bawat Batangueño.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO /
Mula sa ulat ni Princess Bagot – Batangas PPDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.