Batangas PNP: Krimen Bumaba, Walang Election-related Crimes

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas nakiisa sa World Environment Day
June 6, 2022
Notice of Vacant Positions
June 7, 2022

June 6, 2022

Bumaba ang crime rate sa Lalawigan ng Batangas nitong mga nakaraang buwan, samantalang walang naitalang election-related incidents matapos ang 2022 national and local elections nitong ika-9 ng Mayo 2022.

Kabilang ito sa iniulat at tinalakay ng Philippine National Police (PNP) – Batangas Province sa Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting noong ika-2 ng Hunyo 2022 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Sang-ayon sa ulat ni PLtCol. Dwight Fonte, Jr., kinatawan ni Batangas PNP Provincial Director, PCol. Glicerio Cansilao, makikita ang pagbaba ng iba’t ibang krimen sa lalawigan, kabilang ang rape, murder, theft, robbery, physical injury, at homicide. Tanging ang kaso ng carnappinng ng mga motorsiklo ang tumaas.

Binigyang-diin sa talakayan ni Gov. DoDo Mandanas ang pagkakaroon ng mapayapa at maayos na halalan sa buong lalawigan, matapos ibahagi ni Fonte na walang naiulat na anumang kasong may kinalaman sa May 2022 elections sa lahat ng bayan at lungsod ng Batangas.

Dagdag pa sa ulat, mula April 2022 hanggang May 2022, nagkaroon ang mga pulis ng 354 Anti-illegal Drug Operations na dahilan upang madakip ang 395 na mga drug personalities, kasama rito ang 444.29 na gramo ng shabu at 80.7 grams ng marijuana na nakumpiska, na nagkakahalaga ng mahigit ₱3 Milyon.

Ang pagpupulong ay dinaluhan din nina Provincial Administrator Willie Racelis, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro, Provincial Assistance for Community Development Office Department Head Fredesvinda Mendoza, Department of the Interior and Local Government Batangas Provincial Director Abigail Andres, Provincial Planning and Development Office Department Head, Engr. Evelyn Estigoy, Provincial Engineer Gilbert Gatdula.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.