Batangas PEO: Tuloy ang Infra Projects kahit may COVID-19 Pandemic

Batangas Provincial Jail, COVID-19 Free pa rin
June 26, 2020
Teknikal at mga Medikal na Gawain Laban sa Pagakalat ng COVID 19 Tuloy–tuloy na Isinasagawa sa Lalawigan
July 1, 2020

June 26, 2020

Sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, tiniyak ng Provincial Engineering Office (PEO), sa pangunguna ni Engr. Gilbert P. Gatdula, na tuloy-tuloy ang mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na nakahanay sa kanilang programang “Handog Imprastrakturang Maayos,” sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, batay sa bagong inilabas na ulat ng tanggapan, ilang provincial roads ang kasalukuyang sumasailalim sa road repair and maintenance work. Nagsasagawa rin ng road reblocking sa provincial roads sa Unang Distrito ng lalawigan, kabilang ang sa Barangay Binusbusan Section hanggang Barangay Luyahan sa Bayan ng Lian.

Bukod dito, on-going din ang pagsasaayos ng mga panlalawigang kalsada sa Ikatlo at Ika-apat na distrito sa bahagi ng Barangay Bungahan at Barangay Natunuan ng Cuenca hanggang Barangay Natunuan ng San Jose; at Barangay Palanca hanggang Barangay Pinagtong-ulan sa San Jose.

Ayon kay Engr. Gatdula, sa patuloy nilang operasyon at agarang pagsasaayos ng mga naturang kalsada, sinisiguro niya na ang bawat kawani ng PEO ay sumusunod sa mga itinakdang health protocols. Nakatakda namang maglabas ng ilan pang mga ulat ang tanggapan sa mga susunod na linggo para sa iba pa nilang mga proyekto sa lalawigan.

M.J.M. – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.