Batangas PDRRMO binalangkas ang pinalawak na hydrometeorological hazards contingency plan

Cancellation of Project No. O-044 (September 19, 2024) Bidding
September 18, 2024
Supplemental Project Procurement Management Plan and Addendum
September 23, 2024

September 21, 2024

Isang technical workshop ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), upang baguhin at palawakin ang kasalukuyang Contingency Plan ng lalawigan, partikular sa mga hydrometeorological hazards, tulad ng tropical cyclones, flash floods, at coastal storm surges.

Idinaos mula Setyembre 18 hanggang 20, 2024 sa PGENRO Conference Room sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas, pinangunahan ang pagsasanay ni Dr. Amor Banuelos Calayan, PDRRMO department head, na naglalayong mas gawing handa ang lalawigan sa mga posibleng epekto ng mga kalamidad.

Ang kasalukuyang Contingency Plan, na binuo noong 2018, ay nakatuon lamang sa epekto ng mga bagyo. Ngunit dahil sa patuloy na pagbabago ng klima at pagtaas ng panganib mula sa iba’t ibang hydrometeorological phenomena, minabuti ng PDRRMO na palawigin ang plano upang matugunan ang mas malawak na saklaw ng mga kalamidad.

Ang workshop ay dinaluhan ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Batangas Province, tulad ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Department of Public Works and Highways, Department of Science and Technology, at mga miyembro ng PDRRM Council.

Mga eksperto mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Office of Civil Defense, Department of Education, at MDRRMO ng Pamahalaang Bayan ng Bauan ang tumulong bilang mga lecturers at facilitators na nagbigay ng mga kinakailangang kaalaman sa mga kalahok. Mon Carag – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.