Batangas Nanatiling Matatag at Ligtas

PDRRMC Meeting Ukol sa Pagresponde sa Lindol, Pinangunahan ni Gov. Mandanas
April 11, 2017
Tingloy Inspection
April 12, 2017

April 11, 2017

Batangas City- Humarap sa publiko si Batangas Governor Hermilando Mandanas upang siguraduhin na nasa mabuting kalagayan ang lalawigan matapos itong yanigin ng magkasunod na lindol ang Lalawigan noong Araw ng Sabado ika-8 ng Abril 2017.

Sa kanyang mensahe noong Lunes, ika-10 ng Abril 2017 matapos ang Flag Ceremony sa Kapitolyo, ipinaabot nito sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, ganun din ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, na nanatiling matatag at nasa mabuting kalagayan ang probinsya, sa kabila ng mga lindol na nararamdaman sa ilang parte ng lalawigan noong nakaraang Martes at Sabado.

Ayon sa Gobernador, sa kabila ng mga napaulat na mga pinsala, partikular sa bayan ng Mabini at Tingloy , Lungsod ng Batangas , Bauan , Cuenca at Agoncillio, nanatiling normal ang mga pangunahing imprastraktura sa lalawigan, partikular ang mga major highways and road networks, mga ospital at paaralan, ganun din ang mga power plants , oil depots at mga telecommunication networks.

Hinikayat nito ang publiko na huwag mangamba bagkus ay maghanda at maging alerto sa darating na mga araw upang maiwasan ang sakuna, kasabay ng pakiusap na maging kalmado upang maiwasan ang maling pagpapakalat ng impormasyon na nagdudulot ng panic at kalituhan sa publiko.

Nauna nang tumungo ang delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Provincia Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Mabini noong Araw ng Linggo ika- 9 ng Abril, para magpa-abot ng tulong at makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Noel Luistro at iba pang mga opisyal ng nasabing bayan.

Sa tala ng Philvolcs, nairehistro sa Mabini ang pinakamalakas na pagyanig na aabot sa intensity 6 hanggang 7, dahilan upang magkaroon ng minor damages sa mga pangunahing imprastraktura doon, at magdulot ng takot sa mga residente na agarang umuwi sa kanilang mga tahanan bunga ng mga nararamdaman pa ring mga aftershocks.

Sa pinagsamang datos ng DSWDat PSWDo, naipabot na sa Mabini ang 500 pirasong blanket, bottled water, 30 high capacity tents at mga food packs. Ang bayan naman ng Tingloy ay nakatangap ng 200 piraso ng blankets, 15 high capacity tents at mga bottled water./ Edwin V. Zabarte OPG-PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.