Batangas Magiting Website, Mobile App, rewards card inilunsad ng Batangas Provincial tourism office; Mga LGU, private partners pinasalamatan, pinarangalan ng Kapitolyo

National Nutrition Evaluation ng Batangas Province isinasagawa
October 1, 2024
Invitation to Bid (Goods & Infrastructure Projects) – October 22, 2024
October 1, 2024

October 1, 2024

Kalakip ng pagdiriwang ng World Tourism Day at National Tourism Week nitong buwan ng Setyembre, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang Batangas Magiting Website at Mobile App, kasabay ang pagbubukas ng Tourism Kiosk, noong ika-30 ng Setyembre 2024 sa Provincial Auditorium, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan ito nina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, mga Sangguniang Panlalawigan Board Members, PTCAO Department Head, Dr. Katrin Buted, at mga kinatawan ng mga kabalikat na ahensyang Department of Tourism (DOT) – Tourism Promotions Board (TPB) at ITDC Systems.

Ibinahagi naman ng PTCAO ang patuloy na pagsulong ng turismo sa lalawigan, na nagkapagtala ng mahigit 17 milyong turista noong 2023, 3.3 milyon sa mga ito ang overnight tourists, na naglagay sa Batangas bilang pangatlong nangungunang overnight tourist destination sa Pilipinas, sumunod sa Metro Manila at Cebu.

Kaugnay nito, binigyang-parangal ng pamahalaang panlalawigan ang mga nanguna sa pagsusulong ng turismo sa Batangas, kabilang ang Lungsod ng Sto. Tomas bilang 2023 Top Same-day Attractions in Batangas, at Bayan ng San Juan bilang 2023 Top Overnight Destinations in Batangas. Kinilala rin ang Island Municipality ng Tingloy bilang Local Government Unit (LGU) na mayroong pinakamataas na PTCAO-registered Tourism Establishments noong 2023.

Pinasalamatan at kinilala naman ang mga tourism partners ng Kapitolyo, kasama ang Department of Tourism CALABARZON; Ginoong Juan “Sonny” Lozano para sa pagbabahagi ng kaalaman at paggabay bilang pangulo ng Batangas Tourism Council at mga kasamang opisyal; at Batangas State University – the National Engineering University, Lyceum of the Philippines University – Batangas at University of Batangas-Main Campus, mga miyembro ng academe na aktibong tumulong sa pananaliksik, pagtuklas, at paghasa ng kaalaman sa larangan ng turismo.

Binigyang-pugay din ng PTCAO ang mga kabalikat sa pribadong sector, partikular ang mga tourism enterprises na nagpapaabot ng suporta sa iba’t ibang gawain at adhikain sa ikagagaling ng turismo, kasama ang pakikiisa ng nasabing tanggapan sa Proudly Philippines Travel Expo sa Vancouver, Canada at iba pang mga travel fairs, expositions at promotional projects. Nagpaabot din ng pasasalamat ang tourism office sa mga media at social media partners at supporters.

Ang mga pinarangalan ay nakatanggap ng Plaque of Appreciation at subsidy na maaaring magamit para sa kani-kanilang mga isusulong pang mga tourism plans sa hinaharap.

Inilunsad din dito ng Kapitolyo ang Batangas Rewards Card Program, kung saan sa pagbisita sa mga participating establishments maaaring makaipon ng stamps para sa mga eksklusibong discounts, freebies, at libreng travel kit.

Nakasama rin sa aktibidad sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Chief of Staff Maria Isabel Bejasa, AnaKalusugan Cong. Rey Reyes, DOT Assistant Regional Director Mario Daga at ITDC Systems Founder Ian Dela Cruz. ✎: Almira Elaine Baler / 📷: Junjun Hara – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.