Batangas Local Health Board, Sinang-ayunan ang Paggamit ng Ivermectin sa Isasagawang Research Study

Notice of Vacant Positions
October 1, 2021
Provincial Government of Batangas Annual Procurement Plan For CY 2021
October 4, 2021

October 2, 2021

Nagbigay ng isang presentasyon si Department of Health (DOH) CALABARZON Regional Director, Dr. Eduardo Janairo, tungkol sa Ivermectin, ang controversial drug na ginagamit kontra COVID-19 na mainit na pinagtatalunan ngayon, sa pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) noong ika- 27 ng Setyembre 2021 kung saan inirekomenda niya ang paggamit ng nasabing gamot sa buong Lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Dr.Janairo, ang Ivermectin ay ligtas at nakakatulong talaga at nakikita bilang isang “re-purposed drug.”

Naniniwala aniya siya na makatutulong ito upang mapababa ang kaso ng mga namamatay at nagkakasakit sa COVID-19.

Sa naging deliberasyon ng IATF at Local Health Board, matapos ang pagbabahagi ng DOH regional director, nagkakaisang sinang-ayunan, sa pangunguna nina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, at DOH Batangas Province chief, Dr. Elizabeth Sario, ang paggamit ng nasabing gamot sa mga ospital sa lalawigan at home integrated medical services ng pamahalaang panlalawigan bilang isang paraan ng pagsasaliksik at pag-aaral.

Napagkasunduang isasama ang Ivermectin bilang isa sa prescription medicines ng mga COVID-19 patients, subalit ang pag-inum nito ay boluntaryo at hindi sapilitan.

Ayon kay Governor Mandanas, ang Ivermectin ay magiging isa sa mga gamot na ibibigay sa mga pasyente bilang bahagi ng research study, subalit binigyang-diin na hindi ito compulsory.

Dagdag pa ng gobernador, nakahanda ang pondo ng pamahalaang panlalawigan at mga pasilidad nito, maging sa paggamit ng Ivermectin, sa patuloy na laban ng pamahalaan sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.