Batangas Local Health Board Nagsagawa ng Talakayan

Programang Rabies-Free Batangas Muling Susulong ngayong Setyembre 2022
September 10, 2022
Bayan ng Mataas na Kahoy, Benipisyaryo ng mga Punlang Puno sa Nationwide Tree Planting Activity
September 14, 2022

September 14, 2022

Sa nagkakaisang layunin na makapagbigay ng malawak na access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga Batangueño, muling nagsama-sama sa isang pagpupulong ang mga miyembro ng Provincial Local Health Board, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas bilang Chairperson, upang pagtalakayan ang ilang mahahalagang detalye na magsusulong sa lubusang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.

Ang nasabing pagpupulong, na ginanap noong ika-13 ng Setyembre 2022 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, ay kinatampukan ng talakayan pagdating sa kasalukuyang estado ng labindalawang district hospitals ng probinsya, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Kaugnay nito, iprenisinta ng kinatawan ng Center for Health Development CALABARZON, batay sa binuong health development plans ng provincial team para sa Batangas, ang assessment pagdating sa primary care facility o health center to population ratio, priority hospitals for upgrade and development, at maging ang personnel o health-related human resources.

Sa tulong ng assessment, maayos na natukoy ang mga kakulangan at kailangang bigyang-pansin tulad ng area expansion, probisyon ng mga medical equipment, pagdagdag sa bed capacity, pagtatama sa itinakdang bilang ng mga healthcare workers, at pagsasailalim ng mga identified priority hospitals sa repair and rehabilitation.

Naging bukas din ang local health board sa integrasyon at paghihikayat sa mga pribadong ospital upang magkaroon ng partnership, nang sa gayon ay mapalawak pa ang maaabot ng mga benepisyong pangkalusugan, sang-ayon sa mandato ng UHC Law.

Samantala, nagkaroon din ng pagkakataon ang PhilHealth na maging bahagi ng isinagawang pagpupulong, kung saan naging kaisa ang naturang ahensya sa pagtalakay sa ilang mga importanteng proseso at implementasyon ng batas.

Mark Jonathan M. Macaraig/ Photos: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.