Batangas Health Program Ordinance, naipasa na

Implementasyon ng Universal Health Care sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay ng Provincial Health Board
November 20, 2019
Batangas Provincial Census Coordinating Board, nagtipon bilang paghahanda sa 2020 CPH
November 20, 2019

November 20, 2019

Tuluyan nang naipasa ang Batangas Health Program o “Ordinance Creating the Provincial Mental Health Council and Providing for the Community-based Mental Health Program in the Province of Batangas and Appropriating Necessary Funds Therefor” sa Sangguniang Panlalawigan noong November 18, 2019 sa Salvador Laurel Session Hall, Capitol Site, Batangas City.

Ang naturang ordinansa, na akda nina 2nd District BM Arlina Magboo at 5th District SBM Claudette Ambida, ay pinanukala alinsunod sa Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036 na nilagdaan at isinabatas ni President Rodrigo Roa Duterte noong 2018.

Kaugnay dito, layunin ng Batangas Health Program na mapaigting ang karapatan at access ng mga mamamayang Batangueño sa mental health services, pati na rin ang higit pang pagpapataas sa antas ng mental health care service sa primary health care facilities at mga ospital sa probinsya.

Dahil nga dito, bubuuin naman ang Provincial Health Council, na tatayong pangunahing katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa: pagpapaabot ng mental health care assistance sa mga mamamayan; pagpapalaganap ng mental health awareness sa publiko kasama na ang mga public schools; pagtataguyod ng shift-change mula sa hospital-based system tungo sa mas pinagtibay na community-based health program; at pagsusulong sa mental health ng mga mamamayan sa pamamagitan ng multi-disciplinary approach na sumasaklaw sa kalusugan, edukasyon, labor and employment at social welfare.

Bukod dito, layon din ng ordinansa na protektahan ang kapakanan ng mga indibidwal na may mental health disorder, na nararapat tratuhin nang may dignidad, paggalang at hustisya, pati na rin ang pagpapatupad ng integrated approach nang sa gayon ay mapalakas ang basic coping mechanism ng mga indibidwal, na may kaugnayan sa sa stress at depression.

Samantala, iniulat ng World Health Organization (WHO) na higit na maraming buhay ang nawawala dulot ng suicide mula sa mental disorder kada taon, kumpara sa terorismo o kalamidad. Sa nakalap na datos, halos 800,000 katao kada taon ang nagpapakamatay dahil sa sikolohikal na rason, kaya naman maituturing na napakahalaga nang pagpapaabot ng mental health care assistance at services sa mga komunidad.

Marinela Jade M. Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.