Batangas, ginawaran ng Beyond Compliant Rating sa 24th Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices

Supplemental Bid No. 1 (February 19, 2025)
February 3, 2025
Bagong Provincial Planning & Development Officer, Provincial Assessor, aprubado na ng SP
February 4, 2025

February 3, 2025

Isa ang Lalawigan ng Batangas sa 34 na mga Local Government Unit (LGU) awardees sa REGION IV-A na nakakuha ng “Beyond Compliant” rating sa 24th Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance – Local DRRM Councils and Offices category na iginawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong ika-13 ng Disyembre 2024 sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Ang naturang parangal ay pagkilala sa ipinamalas na kahusayan ng mga LDRRMOs sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at pagpapatupad ng mga epektibong programa na sumasaklaw sa disaster prevention at mitigation, response, at rehabilitation, sang-ayon sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Hango ang Gawad KALASAG sa temang “KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang kaligtasan.”

Ang pagiging “Beyond Compliant” ang pinakamataas na pagkilala sa loob ng Gawad KALASAG awards na nagpapahiwatig ng pambihirang kakayahan sa pamamahala ng kalamidad. Ito ay isang pagtatalaga na ibinibigay sa isang LGU na lumampas sa mga batayang pamantayan sa disaster risk reduction and management, na nagpapahiwatig na sila ay nagpapatupad ng mga makabagong kasanayan na lampas sa mga minimum na kinakailangan sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.

Awardees din bilang Beyond Compliant ang Lungsod ng Batangas, Lungsod ng Sto. Tomas at mga bayan ng Alitagtag, Nasugbu, at Taysan, samantalang Fully-Compliant naman ang Lungsod ng Tanauan, Lungsod ng Calaca at mga bayan Agoncillo, Balayan, Bauan, Calatagan, Laurel, Lemery, Mataas na Kahoy, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, San Nicolas, San Pascual, Sta. Teresita, Taal, at Talisay.

Janssen Olimba |Photo: Junjun Hara De Chavez |Batangas PIO Capitol

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.