Batangas DOH Mag-iinspeksyon sa Isolation Facilities; PNP Personnel Sasailalim sa COVID-19 Patients Handling at Management

Emergency Quarantine Facility sa Lungsod ng Batangas, Pinasinayaan
May 11, 2020
Batangas LMP President Magiging Bahagi na rin ng COVID-19 Inter Agency Task Force
May 13, 2020

May 12, 2020

Nagsasagawa ang Batangas Provincial Department of Health Office (PDOHO) ng pagbisita at inspeksyon sa mga designated isolation facilities ng mga Bayan ng Lian at Nasugbu, at Lungsod ng Lipa para sa mga Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases, samantalang, ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), 100 na uniformed personnel mula sa kanilang medical reserve ang sasailalim sa pagsasanay patungkol sa handling and management ng COVID-19 patients.

Ilan ito sa highlights ng pagpupulong ng Batangas Province Inter-Agency Task Fore for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong ika-8 ng Mayo 2020 sa Provincial Health Office sa Lungsod ng Batangas.

Sa ulat ng Pamahalaang Panlungsod ng Lipa sa PDOHO, ang kanilang isolation/quarantine facility para sa COVID-19 Suspects ay may 30-bed capacity, at may nakalaan nang human resources for health (HRH).

Tungkol naman sa pagdadagdag ng medical personnel sa mga district hospitals, sinabi ng Batangas PDOHO na isinasagawa nila ngayon ang konsolidasyon ng mga requests mula sa mga district hospitals, at pagtanggap sa mga health workers.

Nag-donate naman ang Globe Telecom, sa pamamagitan ni Vice Governor Mark Leviste, ng 90 na cellphone units at SIM cards para sa COVID-19 purposes, na nagkakahalagang P68,400. Naging benepisyaryo ng nasabing donasyon ang mga police headquarters at major checkpoints (35 units), component cities and municipalities (34 units), Philippine Coast Guard (1 unit), District Hospitals of the Province (12 units), Office of the Vice Governor/Sangguniang Panlalawigan (1 unit), Provincial Health Office (1 unit), Provincial Information Office (1 unit), League of Barangays (1 unit), at 4 pang para sa mga ahensyang mangangailangan.

Maglalaan din ang Globe ng free text blast service na magagamit ng pamahalaang panlalawigan para sa information dissemination.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.