Batangas Development Priority programs inilatag sa DILG Alliance Building Dialogue

Notice of Vacant Positions
August 1, 2017
Serbisyo Publiko, Galing at Talino ng Kabataan, Tampok sa 2017 PDP CALABARZON Roadshow
August 3, 2017

August 3, 2017

Tagumpay ang Provincial Alliance Building Dialogue na hatid ng Department of the Interior and Local Government Region IV-A at ng Southeast Asian Ministers of Education Organization(SEAMEO)-Southeast Asian Regional Center for Graduate and Research in Agriculture sa Lalawigan ng Batangas noong ika-3 ng Agosto 2017.

Dumalo sa Alliance Dialogue ang mga Local Chief Executives ng mga local government units, Municipal and City Planning Development Coordinators, mga katuwang na national government agencies at mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na kinakatawan nina Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Provincial Planning and Development Officer Bausas

Layunin ng Alliance Dialogue na mabuo ang isang inter-local cooperation sa pagitan ng mga lalawigan at mga nasasakupan nitong local government units and NSA partners sa pagpapatupad ng mga nakahanay na programang pang kaunlaran mula sa pamahalaang nasyunal.

Sa hanay ng lalawigan, ipinahatid ni Batangas Governor Hermilando I. Mandanas ang mga nakalinyang programa ng kanyang administrasyon. Kabilang dito ang patuloy na pagtutok sa kabuhayan, kalusugan, edukasyon, hanapbuhay at proteksyon ng buhay, kapayapaan, kalikasan at ari-arian.

Ibinahagi din ng gobernador sa lupon ang layunin ng kanyang pamunuan na magpatayo ng mga bagong imprastraktura at paglikha ng mga economic zones na tinatayang maghahatid ng 200,000 bagong trabaho sa mga Batangueño.

Tututukan din ng kanyang administrasyon ang pagpapalakas ng Telecommunications Infrastracture at pagpapalakas ng Internet connection, upgrading ng mga major transportation hubs tulad ng Batangas International Port, Fernando Airbase, railway system, at pagdagdag ng mga bagong kalsada.

Ayon pa sa gobernador, ang mga programang ito ay inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan sa pakikiisa nito sa mandato ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na Build Build Build project, na naglalayong mapataas ang socio economic development ng bansa sa pagpapadami ng mga modernong imprastraktura.

Ibinahagi ng National Economic Development Administration (NEDA) Region IV-A Regional Director at kasalukuyang Regional Development Council (RDC) Vice- Chairman Luis Banua sa harap ng mga opisyal ng lalawigan ang mga nakahanay na Priority Development Projects na inindorso ng RDC.

Kabilang dito ang Sabang Bridge project, Balagtas Rotonda-Batangas Port Fly Over, Taal Lake Circumferential Road, North South Railway-Project Southline from Calamba to Batangas City, Improvement of San Juan Port at Calatagan Port at ang Mindoro-Batangas Super Bridge.

Ang dayalogo sa Batangas ay ika- 5 edisyon na sa isinagawang CALABARZON-wide alliance dialogue na nagsimula sa Rizal Province noong ika- 11 ng Hulyo, July 18 sa Cavite, August 1 sa Quezon at magtatapos sa Laguna sa August 8.

Layunin ng SEARCA na makapagbigay sa mga bansa na kasali sa Southeast Asian Region ng mataas na kalidad ng mga pagsasaliksik na makakatulong sa pag-resolba sa mga problema ukol sa socio-economic growth at environmental and agricultural sustainability./ Edwin V. Zabarte-Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.