Batangas Coastal Resource Management Foundation Meeting, Isinagawa

3rd Quartery Meeting at Evaluation ng Local Youth Development Officers, Sangguniang Kabataan Presidents ng Batangas Province, Ginanap
September 3, 2022
Paligsahan sa Pag-awit ng Kundiman, Itinanghal sa Kapitolyo
September 4, 2022

September 3, 2022

Nakiisa at pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, bilang chairperson, ang pagpupulong ng Batangas Coastal Resource Management Foundation, Inc. (BCRMF) tungkol sa Coastal Environment Protection, kasama ang mga pamahalaang lokal na nasa baybaying dagat ng lalawigan, na ginanap sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-31 ng Agosto 2022.

Ilan sa mga naging agenda ng naturang pagpupulong ang mga alituntunin sa implementasyon ng mga proyekto ng lalawigan sa mga baybaying lungsod at bayan, at pagtatatag ng buffer zones at pagpapalakas ng gawaing tungo sa proteksyon at konserbasyon ng kapaligiran at likas na yaman, sa pakikipagtulungan sa BCMRF at mga katuwang na national government ggencies at local government units. Tinalakay din ang mga planong aktibidad upang mas mapaunlad pa ang nasabing foundation.

Dumalo rin sa naturang pagpupulong sina Vice Governor Mark Leviste, 5th District Senior Board Member Claudette Ambida, Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) Department Head, Mr. Luis Awitan, Provincial Planning and Development Office (PPDO) Department Head, Engr. Evelyn Estigoy, at First Gen Corporation Vice President, Mr. Ramon Araneta.

Jayne Elarmo / Photos–Macvenn Ocampo Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.