February 8, 2019
Bumiyahe patungong China si Batangas Governor Dodo Mandanas upang personal na pangunahan ang serye ng mga pakikipagpulong sa ilang Chinese companies na nagpahayag ng matibay na interes na mamuhunan sa Lalawigan ng Batangas noong huling linggo ng Enero 2019.
Dala ang Authority to Negotiate mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, hinarap ng grupo ng mga Batangueno ang mga negosyanteng Tsino, partikular ang mga kinatawan ng Panhua Group Co, Ltd, na isa sa pinakamalaking steel manufacturing company sa nasabing bansa. Kabilang ang lalawigan sa mga pinag-aaralan ng kompanyang Panhua na pagtayuan ng rolling mills at cold storage facilities sa Pilipinas.
Patuloy ang seryosong pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga investors upang makapagbukas ng mga negosyo at pagawaan sa Batangas Province, na magdadala ng mas maraming trabaho para sa mga Batangueño. ✎ JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO Capitol