Batangas Capitol, Nakatanggap ng Cold Storage Equipment para sa mga Bakuna mula sa Japan, UNICEF

Notice of Vacant Positions
June 7, 2022
Invitation to Submit Quotation (Negotiated Procurement)
June 10, 2022

June 9, 2022

Nakatanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng cold storage equipment mula sa pamahalaan ng Japan, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), na maaaring pag-imbakan ng iba’t ibang uri ng bakuna.

Ang walk-in cold storage ay kasalukuyang nakalagay sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, at pormal na ininspeksyon ng mga kinatawan ng UNICEF noong ika-8 ng Hunyo 2022, kasama ang mga kawani ng Provincial Health Office, sa pangunguna ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, at General Services Office, na mangagalaga sa nasabing kagamitan.

Isa ang Batangas sa tatlong recipients ng cold storage equipment sa CALABARZON, kasama ang Rizal at Laguna.

Ayon sa PHO, ang nabanggit na kagamitan ay maaaring paglagyan ng umaabot sa 9,300 liters ng mga bakuna, kabilang ang mga kontra COVID-19, Bacille Calmette-Guerin o BCG na para sa Tubercolosis Disease, Oral Polio Vaccine, at Measles Vaccine.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.