Batangas Capitol: “Handog na Kaalaman, Hanap-buhay na Pangmatagalan”

“Anti-Drug Abuse Seminars sa Lalawigan para sa Pagsugpo ng Ilegal na Droga”
November 7, 2017
Princess of Norway Martha Louise, Batangas Gov. Dodo Grace Jotun Grand Opening
November 8, 2017

November 7, 2017

Tuloy-tuloy ang serbisyo publiko ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamamagitan ng kanilang proyekto na nakatuon sa Sectoral Productivity,  ang “Handog na Kaalaman, Hanap-buhay na Pangmatagalan.”

Ang programang ito ay bumabalangkas sa mga maaaring maging trabaho o mapapapagkakitaan ng mga kababaihang Batangueño. Nais maiangat ng PSWDO na pinamumunuan ni Mrs. Joy Montalbo, ang antas ng pamumuhay ng mga kababayan, kaya naghahatid sila ng kaalamang pangkabuhayan sa buong lalawigan.

Ang mga nakapaloob na serbisyo sa programa ay pagsasanay sa haircutting, hair treatment, hair rebonding, cosmetology, manicure and pedicure with hand and foot spa. Meron ding training sa candle-making, handicrafts making, pananahi ng mga eco-bags, kurtina, mga basahan at kung anu-ano pang puwedeng mapakinabangan.  Ang mga package programs na ito ay tatlong (3) araw na orientation, lecture at actual demonstration na ginagawa sa mga barangay at municipal base. Nagkakaroon din ng mga center-based projects sa tanggapan ng PSWDO na kung saan dito na mismo nagpupunta ang mga walk-in applicants ng Batangas City.   Nagbibigay din ang PSWDO ng libreng starter kits.

Ang bayan ng Taysan ang isa sa mga bayan kung saan natapos na ang manicure and pedicure trainings. Sa mga bayan naman ng San Luis, Balayan at Batangas City ginanap ang mga pagsasanay sa candle-making at manicure and pedicure. Naka linya na din sa programa ang Tanauan City, sa pakikipag ugnayan kay Board Member Devs Balba, at mga bayan ng Lobo at Mabini.

Ang mga programang pangkabuhayan gaya nito ay patuloy na pinauunlad at pinalalawig pa ni Batangas Governor Dodo Mandanas para wala nang maghirap sa Lalawigan ng Batangas. Jhay Jhay Pascua/PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.