Batangas Capitol Employees, Negatibo sa COVID-19

Notice of Vacant Position
July 7, 2020
Bagong PCR Molecular Lab sa Lalawigan ng Batangas, Binuksan na
July 9, 2020

July 8, 2020

Negatibo sa COVID-19 ang lahat ng 45 na empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na sumailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test, na isinagawa ng Provincial Health Office (PHO) sa Lungsod ng Batangas.

Ang mga naturang kawani na dumaan sa swab test noong ika-2 ng Hulyo 2020 ay pawang mga nagsisilbing frontliners, na personal na nagtutungo sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan upang maghatid ng iba’t ibang mga tulong at ayuda.

Labis namang ikinatuwa ni Governor DoDo Mandanas ang magandang balita, at nangako na tuloy-tuloy ang suporta ng Kapitolyo para sa bawat isa nitong serbisyo publiko na naglilingkod sa mga kababayan sa harap ng kasalukuyang pandemya.

Sa pagganap naman ng tungkulin, tinitiyak ng mga empleyado na sumusunod sila sa mga itinakdang health and safety protocols.

Ito na ang ikatlong beses na nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng PHO, ng nasabing pagsusuri para sa mga empleyado.

M.J.Macaraig / Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.