Basic Wheelchair Training ng DOH, dinaluhan ng mga Batangueño PWDs

Pag-IBIG Fund Batangas, hinihimok mag-impok ang mga miyembrong Batangueño
April 4, 2019
209 Batangueño students, pasok sa SPES sa Kapitolyo
April 8, 2019

Kabilang si Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. President Nelson Adante (nakasuot ng dilaw na shirt) sa mga dumalo sa Basic Wheelchair Training, na isinagawa ng Department of Health (DOH) CALABARZON, katuwang ang Philippine Society of Wheelchair Professionals, Inc. at University of the Philippines Manila, noong ika-2 hanggang ika-5 ng Abril 2019 na ginanap sa Ciudad Christhia Resort 9 Waves, San Mateo, Rizal. Photo: Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

April 8, 2019

Kabilang si Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. President Nelson Adante (nakasuot ng dilaw na shirt) sa mga dumalo sa Basic Wheelchair Training, na isinagawa ng Department of Health (DOH) CALABARZON, katuwang ang Philippine Society of Wheelchair Professionals, Inc. at University of the Philippines Manila, noong ika-2 hanggang ika-5 ng Abril 2019 na ginanap sa Ciudad Christhia Resort 9 Waves, San Mateo, Rizal. Photo: Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

Isinagawa sa ikalawang pagkakataon ng Department of Health (DOH) CALABARZON, sa pakikipagtulungan ng Philippine Society of Wheelchair Professionals, Inc. at University of the Philippines Manila, ang Basic Wheelchair Training para sa mga service providers at Persons with Disabilities (PWD) mula sa Lalawigan ng Batangas noong ika-2 hanggang ika-5 ng Abril 2019 na ginanap sa Ciudad Christhia Resort 9 Waves, San Mateo, Rizal.

Ang nasabing training package ay naisakatuparan mula sa inisyatibo ni DOH Region 4A Regional Director Eduardo C. Janairo, alinsunod sa kanyang Health Roadmap na may layuning magbigay ng mas mabisa, epektibo at tuloy-tuloy na paghahatid ng pangangalagang pangkalusugan sa bawat komunidad sa rehiyon.

Sa pakikipag-ugnayan ni Batangas Province Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) Head Edwin De Villa sa DOH, nakapagpadala ang tanggapan sa training ng 25 na partisipante, na binubuo ng mga PWDs; Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. officers, sa pangunguna ni Pangulong Nelson Adante; at, service providers mula sa iba’t-ibang bayan sa Batangas.

Ang apat na araw na Basic Wheelchair Training ay may layuning mabigyang kaalaman ang mga PWDs at mga personnel ng mas mapalawak na mga kasanayan at kaalaman pagdating sa wheelchair service delivery.

Kaugnay nito, tinuruan ang mga kalahok ng tamang kaalaman sa pagkakaroon ng tamang sukat ng wheelchair o naaayon sa pangangatawan ng gagamit nito. Dito ay nagkaroon din ng angkop na paghahanda o pag-iinstall ng mga kasangkapan kasama ang tamang paghawak sa wheeled mobility device.

Kasama rin sa pagsasanay ang pagbibigay ng edukasyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng sugat dahil sa hindi tamang paggamit ng wheelchair, at sa wastong pag-upo, pag-aangat at paglilipat ng isang taong may kapansanan mula sa wheelchair papunta sa kama o upuan.

Nagbigay naman ang Kagawaran ng Kalusugan ng libreng wheelchairs para sa 5 napiling partisipante, na eksakto at naaayon sa hubog ng katawan ng mga benepisyaryo.

Nagsilbing head trainer sa isinagawang pagsasanay si Dr. Ferdiliza Dandah S. Garcia, President of the Philippine Society of Wheelchair Professionals; kasama sina Ms. Paulina A. Calo, DOH CALABARZON Nurse V at PWD Regional Coordinator; at, Ms. Faye Roderos, DOH Region 4A lecturer. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.