Basic Sign Language Training, isinagawa sa bayan ng San Pascual

24th Gawad Parangal sa Pamilya, ginanap para sa Pamilyang Batangueño
October 15, 2019
Assistive Device para sa mga visually impaired, ipinamahagi ng Samahang Batangueña
October 16, 2019

October 15, 2019

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Bayan ng San Pascual, katuwang ang Aktibong Samahan ng mga taong may Kapansanan sa Bayan ng San Pascual (ASTBS), ang isang Basic Sign Language Training, na may temang “Breaking Barriers,” noong ika-1 hanggang ika-2 ng Oktubre 2019 sa Rural Health Unit Conference Room, San Pascual, Batangas.

Naging mga partisipante sa dalawang araw na pagsasanay ang mga municipal frontline employees ng iba’t-ibang tanggapan sa nasabing bayan at bagong opisyales ng ASTBS.

Ayon kay Mr. Dharwin G. Dimapasoc, pangulo ng ASTBS, layunin ng isinagawang sign language training na mas maging inclusive ang pagbibigay ng serbisyo publiko na tutugon at magiging akma sa pangangailangan ng lahat ng mga mamamayan partikular na ang mga taong may kapansanan.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng training mabubuwag ang mga hadlang o barriers sa pakikipagkomunikasyon nang sa gayon ay magkaroon ng maayos na proseso ng paglilipat ng impormasyon sa paraang kung paano ito maihahatid at matatanggap ng kausap.

Samantala, sa ikalawang araw ng pagsasanay, bilang bahagi ng evaluation sa lahat ng mga sumailalim sa basic sign language training, nagkaroon ang mga ito ng aktwal na pakikipag-usap sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng San Pascual na may hearing impairment.

Patuloy naman ang suporta ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Antonio Dimayuga, sa lahat ng grupo sa bayan para sa isang inclusive development.

Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.