Basic Self Defense Training Program Hatid sa mga Kawani ng Kapitolyo

World Blood Donor Day Forum, Matagumpay na Idinaos
June 14, 2017
Silk Road Artists
June 16, 2017

June 16,2017

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kauna–unahang Basic Self Defense Program kaalinsabay ng lingguhang Zumba dance exercise para sa mga kawani ng Kapitolyo noong ika-16 ng Hunyo, 2017 sa Laurel Park, Capitol Site, Batangas City.

Sa inilunsad na basic self defense training, sasailalim sa pagsasanay sa boxing at taekwondo ang mga interesadong indibidwal na gagabayan at sasanayin ng mga propesyunal at lisensiyadong trainers at coaches na kinomisyon ng provincial government, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office.

Dadaan ang mga kalahok sa basic boxing and martial art regiment, tulad ng mga tamang warm up and training exercises at introduksyon sa tamang pagsuntok, pagsipa, pag-galaw at pag depensa.

Ayon sa mga organizers ng programa, bukod sa pagiging physically fit, inaasahang magkakaroon ng kakayahan ang mga kawani na ipagtanggol ang sarili at maialis ang sarili o sino mang kasama sa alanganin at panganib tulad ng tangkang pananakit at pagnanakaw saan man sila naroroon.

Inaasahan na matutunan ng mabilis ang mga kaalaman sa gabay ng mga professional trainers at coaches na sumailalim sa 5 araw na extensive training and coaching program noong nakaraang Mayo 22-26, 2017 kaagapay ang mga National Sports Associations ng Pilipinas sa Boxing at Taekwondo .

Katuwang ng PACD sa pagsasakatuparan ng programa ang Provincial Health Office at Provincial Human Resource and Management Office. / Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.