Basic Accounting Itinuro ng PCLEDO sa Coop Members

Regional Migrant Workers’ Day 2018, Ipinagdiwang
June 5, 2018
Health Workers ng Batangas Binigyang Kaalaman sa Brief Tobacco Intervention Program
June 7, 2018

June 6, 2018

Sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na madagdagan pa ang mga kakayahan at kaalaman ng bawat Batangueño, isinagawa noong ika-6 hanggang ika-8 ng Hunyo 2018 ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), sa pangunguna ni Gng. Celia L. Atienza, ang 3-Days Training Seminar na pinamagatang Basic Accounting for non-Accountants sa Provincial Cooperative Development Center (PCDC), Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng mahigit 20 na katao na nagmula sa iba’t ibang kooperatiba ng lalawigan. Kabilang sa mga tinalakay dito ang tungkol sa Organizational Structure of the Cooperative, Principles of Accounting, Accounting Equation & Cycle Perspective, Books of Accounts, Standard Chart of Accounts, Statement of Cash Flow, Audited Financial Statements, at iba pang may kaugnayan sa pag tatala.

Resource speakers sa seminar ang ilang kawani ng PCLEDO, sa pangunguna ni Roderic Garbin, Cooperative Development Officer.

Ang seminar ay inaasahang makatutulong sa pagpapalago at pagpapalawig ng kaalaman ng mga dumalo upang mas mapagbuti pa nila ang kanilang pangangangasiwa ng kanilang mga kooperatiba, na inaasahang patuloy na magbibigay ng malaking tulong sa ekonomiya ng lalawigan. – Bryan Mangilin & Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.