Barangay Tanod Federation, Dumalo sa 2nd Quarterly Meeting

Pamamahagi ng Sentinel Pigs, Muling Isinagawa ng Batangas ProVet, DA-4A
June 24, 2022
PSWDO, St. Bridget, Nagbahagi ng Livelihood Training sa mga Batangueña
June 29, 2022

June 26, 2022

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD), ang 2nd Quarter Meeting ng Municipal Federations of Barangay Tanod (MFBT) noong ika – 22 ng Hunyo 2022 sa Provincial Capitol, Lungsod ng Batangas.

Naging tampok sa pagpupulong ang isinagawang halalan ng provincial federation officers, kung saan nagwagi sina Bernard Pusta ng MFBT Tanauan City bilang pangulo, Armando Braña ng MFBT Mabini bilang pangalawang pangulo, Rose Gerlie Ibarra ng MFBT Rosario bilang kalihim, Joseph Aparicio ng MFBT Bauan bilang auditor, at Susan Infante ng MFBT Lipa City at Noel Cascall ng MFBT Lobo bilang ingat-yaman.

Nahirang namang kinatawan ng bawat distrito sina Alfredo Destreza ng Tuy para sa 1st District, Armando Braña ng Mabini sa 2nd District, Cenon Mendoza ng Agoncillo sa 3rd District, Dionisio Dimayuga ng San Juan sa 4th District, Ronald Apostol ng Batangas City sa 5th District, at Melvin Dalisay ng Lipa City sa 6th District.

Pinangunahan ang pagpupulong nina PPOSD department head, Atty. Genaro S. Cabral, at mga kinatawan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Tinalakay dito ang mga serbisyo ng PSWDO kung saan katuwang ang mga barangay tanod, tulad ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS), Family Welfare Program, Bahay Pag-asa, at Emergency Welfare Services. Binigyang-diin sa mga tanod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabilisang komunikasyon tuwing may mga kalamidad at sakuna mula sa mga barangay patungo sa kani-kanilang Municipal SWDO at PSWDO.

Ipinaliwang din ang mga proseso at kailangang dalahin sa pagkuha ng mga tulong pinansyal, kagaya ng medical at burial assistance, at ang palugit na panahon para makapag-apply para sa mga ito; at kung sino ang mga kuwalipikado para sa Provincial Service Incentives (PSI), na para sa mga naglingkod sa barangay na hindi bababa ng limang taon, at nagserbisyo mula noong 1992.

Shelly M. Umali / Photo: MacVen Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.