Barako Hour, Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Gov. Mandanas: Maibibigay ang IRA Backpay ng hindi Makakasama sa Ekonomiya ng Bansa
July 16, 2018
Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office, Naglahad ng Accomplishments
July 16, 2018

July 16, 2018

Barako—isang bansag hindi lamang sa mga Batangueño kundi sa isang uri ng kape na ipinagmamalaki ng Lalawigan ng Batangas.

Kaugnay nito, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang “Barako Hour”, isang proyekto ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), na may layunin na muling buhayin ang industriya ng Kapeng Barako sa lalawigan. Ginanap ito noong ika-14 ng Hulyo 2018 sa Samba Cafe, Samahang Batangueña Bldg., Capitol Compound, Batangas City.

Sa pakikipagtulungan sa Samahang Batangueña, sa pamumuno ni Atty. Gina Reyes Mandanas, at pakikipag-ugnayan sa mga local coffee shops at restaurants sa Batangas, ihahandog ang “Barako Hour” kung saan magkakaroon ng unlimited Kapeng Barako sa mga establisimyento mula ala-una hanggang alas tres ng hapon. Hangad ng proyekto ng PTCAO, sa pamumuno ni Atty. Sylvia Marasigan, na mas mailapit at maipakilala sa mga millennials ang Kapeng Barako, kundi pati na rin maibalik sa lalawigan ang titulong “Coffee Capital of the Philippines”.

Nagbahagi naman ng kanyang mensahe si Col. Katy Katigbak, isang Batangueñong isinusulong ang pagtatanim ng Kapeng Barako o Liberica. Binigyang diin niya na ang industriya ng Kapeng Barako ay mahalaga para sa pagkakakilanlan ng Batangas at nararapat lamang na ito ay muling buhayin at palaganapin sa lalawigan.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng coffee shop entrepreneurs, coffee enthusiasts, businessmen, vloggers, social media influencers at student body representatives mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa lalawigan. – Marinela Jade Maneja, PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.