Balangkas ng 2024 Public Service Continuity Plan ng Batangas Provincial Government, handa na

Supplemental Bid No. 1 for Project Number Q-025, Q-026 (October 22, 2024 Bidding)
October 15, 2024
FINANCIAL ASSISTANCE TO LOCAL GOVERNMENT UNITS, CHARGED AGAINST THE NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT FUND – Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation As of September 30, 2024
October 21, 2024

October 18, 2024

Handa na para sa review and approval ang balangkas ng binuong 2024 Public Service Continuity Plan (PSCP) ng iba’t -ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isinagawang PSCP Formulation Workshop noong ika-14 hanggang 18 ng Oktubre 2024 sa Dalubhasaan Building, Provincial Sports Complex, Bolbok, Lungsod ng Batangas.

48 na mga continuity planners na kumatawan sa 22 na mga opisina ng Kapitolyo ang magkakasamang bumuo at nagbahaginan ng mga mahahalagang inputs para sa kahandaan ng pamahalaang panlalawigan sa mga oras ng kalamidad at emergencies, alinsunod sa National Disaster and Risk Reduction Management Council Memorandum Circular No. 33, Series of 2018, at sang-ayon sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Sumailalim ang workshop sa superbisyon ng mga opisyal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa pangunguna nina Atty. Kimberly Dianne Garcia- Abaya at Tonnie Ross Untalan, kasama ang mga course managers na sina Allyanna Leano at Vincent Wayne Galela mula sa Prime BMO Corporation.

Layunin ng masusing 5-day strategic planning ang paniniguro ng tuloy-tuloy na pagseserbisyo sa sambayanang Batangueño ng pamahalaang panlalawigan, kung sakaling magkaroon ng malawakang pagkasira ng mga mahahalagang imprastrakturang pampubliko na maaaring makaantala sa paglalaan ng serbisyo.

Ito ay binubuo ng mga detalye ukol sa mga kaukulang aksyon ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan na masiguro na walang maaantala o matagalang pagkatigil ng lahat ng mahahalagang serbisyo, partikular sa disaster response, health management, public order, security and safety, fiscal management, food security at rehabilitation.

Ang mga planong paghahanda na ito na isinasagawa rin bilang pagsunod sa NDRRMC Memorandum Circular No. 57, Series of 2020, at Civil Service Commission Memorandum Circular No. 2, Series of 2021, na nag-aatas sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na buuin ang kani-kanilang mga PSCP upang ang mga mandato at misyon ng mga tanggapan ay patuloy na maihatid sa publiko, sa kabila ng mga sakuna at hindi inaasahang mga kaganapan. / Edwin V. Zabarte; Photos by: Batangas PDRRMO – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.