Bakunahan sa DREAM Zone, Itinigil Dahil sa mga Nagpositibong Vaccinators

Batangas Capitol, Naghatid ng Tulong sa mga Naapektuhan ng Sunog
January 19, 2022
Intensified Mobile Vaccination Roll-out Ipatutupad sa Batangas Province
January 24, 2022

January 24, 2022

Bakunahan, Patuloy pa rin sa Pamamagitan ng Mobile Units

Pansamantalang itinigil ang bakunahan na ginaganap sa DREAM Zone sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas matapos mahigit 30 sa vaccination team ang nagpositibo sa COVID-19.

Bahagi ito ng naging ulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa ginanap na lingguhang pagpupulong ng Provincial Inter – Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) noong ika-17 ng Enero 2022.

Sa kabila nito, patuloy naman pa rin ang vaccination sa pamamagitan ng mga mobile units na umiikot sa mga bayan sa lalawigan.

“Nag- convert po tayo ng mga dental bus at one bus from Anakalusugan para puntahan ang mga lugar ng mga magpapabakuna,”pagbabahagi ni Ozaeta.

Binigyan-diin naman ni Governor DoDo Mandanas na may supply pa rin ng bakuna ang probinsya at ginagamit ang mga naturang mobile units upang mas marami pa ang mga mabakunahan.

Matatandaan na malaki ang ginampanan ng mga vaccination buses upang maabot ng Batangas Province ang target nito sa nagdaang Intensive National COVID-19 Vaccination days.

Jayne Elarmo – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.