Ayuda sa mga Iskolar ng Batangas, Muling Ipinamahagi

Announcement
November 27, 2020
Pailaw sa Taal, Kanselado Ngayong Taon
November 28, 2020

November 28, 2020

Tuloy-tuloy ang hatid na tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, sa mga Batangueñong iskolar, kabilang ang muling pamamahagi ng educational assistance at handog na bigas at faceshields noong ika-25 ng Nobyembre 2020.

261 na mga estudyante ang nabigyan ng educational assistance, na umabot sa halagang ₱997,000, sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Sang-ayon ito sa tagubilin ni Governor DoDo Mandanas na kinakailangang tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga Batangueñong mag-aaral sa kabila ng pandemya, sa ilalim ng Batangas Province Scholarship Program.

136 sa mga batang tumanggap ng tulong pang-edukasyon ay mga bagong aplikante, ayon kay Ginoong Cris Ramos, head ng Scholarship Division ng Office of the Provincial Governor.

Bigas, Faceshields para sa mga Iskolar sa Balete

Ang bigas at faceshields naman ay ipinamigay kasama ang ilang mga kawani ng Kapitolyo sa Brgy. Solis, Brgy. Magapi, at Brgy. Poblacion sa Balete, na matatagpuan sa tabi ng Lawa ng Taal.

Ang mga nasabing pamamahagi ay alinsunod sa mga ipinag-uutos ng Provincial Task Force Against Covid-19 na mga health protocols upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Grace Briones – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.