“Anti-Drug Abuse Seminars sa Lalawigan para sa Pagsugpo ng Ilegal na Droga”

2017 Batangas Province Division Sports Competition, Sinimulan Na
November 6, 2017
Batangas Capitol: “Handog na Kaalaman, Hanap-buhay na Pangmatagalan”
November 7, 2017

November 7, 2017

Para sa kabatiran ng madlang Batangueño patungkol sa mga masasamang epekto ng ipinagbabawal na droga, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Youth and Sports Division ng Provincial Assistance for Community Development Office, ay nagsagawa ng libreng seminar para sa mga high school students ng Taysan National High School, San Jose, Batangas noong November 7, 2017.

Ayon sa Republic Act 9165, ang paggamit ng ipinagbabawal na droga ay may karampatang parusa sa sinumang mga lalabag dito. Para sa kalusugan naman, pangunahing naapektuhan ng illegal drugs ang utak na sa kinalaunan ay nakakaapekto sa ugali ng isang tao at maaaring maging dahilan sa paggawa ng mga krimen.

Layunin ng nasabing seminar na maimulat ang mga kabataan sa mga salot na epekto ng droga sa katawan. Bukod dito, naghatid din ang Youth and Sports Division ng pagtuturo ukol sa youth leadership at volunteerism.

Katuwang ng PACD ang Provincial Health Office, Provincial Legal Office at Philippine National Police upang magbahagi ng mga napapanahong mga impormasyon sa animnapu’t limang (65) estudyante at gurong naging bahagi ng nasabing seminar.

Ang mga programang tulad nito ay lubos na sinusuportahan ni Gov. Dodo Mandanas at ng pamahalaang panlalawigan.  Jhay Jhay Pascua/Photos by: PACD

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.