Alert Level 1 sa Taal Volcano itinaas ng PHIVOLCS

Health providers sa Batangas Province, nagtipon sa Kapitolyo
November 7, 2019
Children’s Inter-District Competition, isinagawa sa Kapitolyo
November 11, 2019

November 8, 2019

Relokasyon ng mga mag-aaral inirekomenda

Inirekomenda ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kay Governor DoDo Mandanas ang pansamantalang relokasyon ng mga mag-aaral sa tatlong elementary schools sa Taal Volcano Island bunga ng naitalang pagtaas ng bilang ng seismic activities sa paligid ng isla.

Sa tala ng Taal Volcano Seismic Monitoring Network noong ika-4 ng Nobyembre 2019, 89 volcanic earthquakes ang naganap sa loob ng 24 na oras na observation period sa pulo. Dalawa dito ang mga pagyanig na may lakas na Intensity 1 and 2 sa Barangay Alas-as sa Bayan ng San Nicolas, at Barangay Tibag at Barangay Pira-Piraso sa Bayan ng Talisay.

Sa ulat ni Batangas PDRRMO Chief Joselito Castro, kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Readiness Level 1 ang buong volcano island, daan upang imungkahi ng tanggapan ang paglilikas at pansamantalang relokasyon ng may 218 na mag-aaral mula sa Calawit Elementary School, Pulo Elementary School, at San Nicolas Elementary School sa mga itinakdang relocation sites at temporary education facilities.

Sa direktiba ni Governor Mandanas, nakatakdang talakayin ang sitwasyon at contingency plans ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isang emergency meeting sa sunod na linggo kasama ang mga opisyal at tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), Batangas PDRRMO, Provincial Engineer’s Office, Provincial Information Office, Municipal Governments ng Balete, Talisay at San Nicolas sa DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.