Alay Lakad 2018 ng Batangas Province Ginanap sa Provincial Sports Complex

Higit 1K na mga Iskolar ng Lalawigan ng Batangas, Tumanggap ng Tulong
November 20, 2018
Pagsusulong sa People’s Initiative, Suportado na ng LMP at LnB
November 21, 2018

Lakad para sa Kabataan. Halos 6 na libong Batangueño ang nakiisa sa 46th Alay Lakad ng Lalawigan ng Batangas noong ika-21 ng Nobyembre 2018 sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City. (Inset) Kasama ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangas Province Alay Lakad Foundation, Inc. Chairperson, sina (mula kaliwa) Dr. Tirso Ronquillo, Batangas State University President; dating Special Assistant to the President, Mr. Christopher Lawrence Go, ang Keynote Speaker; Deputy Speaker at 2nd District Congressman Raneo Abu; Vice Gov. Nas Ona; at, San Pascual Mayor Roana Conti. Bisita rin sa pagtitipon sina Sen. Nancy Binay at dating Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. Vince Altar / Photos: Eric Arellano & JJ Pascua – Batangas Capitol PIO

Matagumpay na idinaos ang ika-46 na edisyon ng Alay Lakad ng Lalawigan ng Batangas, na dinaluhan ng tinatayang halos 6 na libong indibidwal, noong ika-21 ng Nobyembre 2018 sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Nakalikom ng halos PhP 1.5 Milyon na nakalaan sa mga socio-economic projects para sa mga out-of-school youth ang Batangas Province Alay Lakad Foundation, Inc., kung saan tumatayong Chairperson si Gov. Dodo Mandanas at Pangulo si Dr. Tirso Ronquillo, ang Batangas State University President.

Para maiwasang makapagpalala pa ng trapiko sa Lungsod ng Batangas, ang mga nakiisa sa Alay Lakad 2018, kabilang ang mga kawani ng Department of Education – Batangas Province, Batangas Provincial Government, mga unibersidad sa Batangas, mga local government units at mga pribadong kompanya at indibidwal, ay hindi na naglakad sa kalye, bagkus ay nagtipon at umikot sa Sports Oval at Grandstand ng Provincial Sports Complex. Ang libo-libong mga tao mula sa pampubliko at pribadong sector, matapos ang zumba dance exercise, ay naglakad sa palibot ng oval at nagtungo sa basketball gymnasium kung saan naman ginanap ang programa.

Kagaya ng mga nakaraang taon, ang mga opisyal at guro ng DepEd – Batangas Province, sa pangunguna ni Division Superintendent Dr. Manuela Tolentino, ang bumuo sa Biggest Delegation na nasa mahigit isang libo ang lumahok; nag-ambag ng Biggest Contribution, na umabot sa higit PhP 400,000; at, pinanggalingan ng Miss Alay Alakad, na si Bb. Vanessa Hernandez.

Para sa Walk for a Cause sa taong ito na may temang “Kabataan suporta ng bayan,” naging keynote speaker ng Alay Lakad si dating Special Assistant to the President, Mr. Christopher Lawrence Go. Naging panauhin rin si dating Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. at Senator Nancy Binay.

Aktibo ring nakisama sa mga kaganapan sina Vice Gov. Nas Ona, Deputy Speaker at 2nd District Congressman Raneo Abu; Atty. Gina Reyes Mandanas, Samahang Batangueña President; San Pascual Mayor Roana Conti, League of Municipalities of the Philippines – Batangas Province President; Bauan Mayor Bodjie Casapao; Mabini Mayor Bitrics Luistro; Atty. Betty Medialdea at PSSupt. Edwin Quilates, Philippine National Police Batangas Provincial Director. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.