Air Quality Monitoring sa Batangas Province, Patuloy na Isinasagawa

DSWD, DTI, Namahagi ng Face Masks sa Taal Evacuues sa Talaibon Interim Homes
May 9, 2021
Mobile Community Kitchen ng Kapitolyo, Malapit nang Buksan
May 9, 2021

May 9, 2021

Patuloy ang isinasagawang air quality monitoring ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sang-ayon sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas at sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), kahit sa panahon ng pandemya.

Walong monitoring stations ang itinalaga ng PGENRO, na matatagpuan sa Lipa City, Batangas City, Sto. Tomas City, Tanauan City, Taysan, San Pascual at Taal. Kumukuha ang mga ito ng samples, gamit ang high volume sampler, minsan sa isang taon upang masuri ang kalidad ng hangin sa mga bayang nabanggit.

Isinasagawa ang mga pagsusuri upang malaman ang kalidad ng hangin sa mga itinatalagang stations na magiging batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa para mapanatiling nasa “standard” ang kalidad ng hangin sa lalawigan.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng ng air quality monitoring ang nasabing tanggapan sa sampung district hospitals ng lalawigan, kabilang ang Batangas Provincial Hospital, Apacible Memorial District Hospital, Don Manuel Lopez Memorial District Hospital, Lobo Municipal Hospital, Laurel Memorial District Hospital, Martin Marasigan Memorial District Hospital, Lipa District Hospital, MVM Sto. Rosario District Hospital, San Jose District Hospital at San Juan District Hospital.

Nakikipag-ugnayan sa PGENRO ang mga nasabing mga pampublikong ospital bilang pagsunod sa mga kundisyong ng kanilang Environmental Compliance Certificate o ECC kaugnay ng Republic Act No. 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999.

Ipinagbibigay-alam ang resulta sa administrasyon ng mga district hospitals para sa kanilang kabatiran at agarang solusyon kung hindi pasado sa wastong pamantayan ang resulta.

Batangas Capitol PIO – PG-ENRO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.