ABU Says NO To Coop Tax Repeal

Mga Batang Laging Handa
February 23, 2017
BLGF Awardees 2017
February 23, 2017


February 23, 2017

Dinaluhan ni Deputy Speaker at 2nd District Representative Ranie E. Abu ang rally laban sa pagpapataw ng buwis sa kooperatiba noong ika- 18 ng Pebrero 2017 sa Batangas City. Mariing tinutulan ni Cong. Abu ang pag-aalis ng tax exemption sa mga kooperatiba. Naniniwala siya na ang mga kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas ay tunay na nakakatulong sa pag-unlad ng ating bayan lalo’t higit ng mga maliliit na mga mmamamayan.Kaya naman bilang kinatawan sa Kongreso, nangangako ang congressman na patuloy siyang makikiiisa kasama ang lahat ng mga kongresista sa buong Lalawigan ng Batangas at buong Southern Tagalog sa paghakbang ng mga kooperatiba sa kanilang laban tungkol sa Tax Exemption. Lumagda din si Cong. Abu sa Declaration of Commitment bilang tanda ng kanyang pakikiisa sa ipinaglalaban ng kooperatiba.
Jestoni D. Hernandez/Photo: Macc Venn Ocampo -PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.