AboitizLand Football Cup – Luzon leg 2019, idaraos sa Batangas

Vice Gov. Leviste, nag-ulat sa unang 100 araw ng panunungkulan
October 9, 2019
MOA para sa kabahagi ng mga LGUs sa Lalawigan ng Batangas, nilagdaan ng Kapitolyo at mga Power Generation Companies
October 10, 2019

October 9, 2019

Muli na namang idaraos ang AboitizLand Football Cup (AFC), ang Luzon leg ng isa sa pinakakilalang football tournament sa bansa, na pormal na magbubukas sa darating na October 13, 2019 sa Aboitiz Pitch, The Outlets at Lipa sa LIMA Technology Center and Special Economic Zone sa Lipa City, Batangas.

Ang prestihiyosong tournament ay unang isinagawa noong 2018, at mainit na tinanggap ng mga stakeholders sa CALABARZON Region. Layunin ng palaro na higit pang malinang ang grassroots football sa Southern Tagalog.

Ang AFC-Luzon ay isasagawa sa loob ng walong linggo, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya, mula sa Under-7 years old hanggang sa open tournaments.

“We are happy to stage the Aboitiz Land Football Cup for the second straight year after a very successful staging last year,” sabi ni Mr. Eduardo Aboitiz, Aboitiz Land Commercial Business Unit Head, sa idinaos na press conference sa Ippon Yari Restaurant sa The Outlets.

Dagdag pa nito, inaasahan ng mga organizers ng AFC 2019 na mahihigitan pa ngayon taon ang naging record na mahigit sa 100 teams, na binubuo ng nasa isang libong football enthusiasts, na naglaro noong 2018.

Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.