November 14, 2017
Nagkaisa ang mahigit kumulang limampung (50) kababaihang miyembro ng Provincial Women’s Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI) sa ginanap na 4th Quarterly meeting ng samahan sa Provincial Mansion, Capitol Compound, Batangas City noong November 14, 2017.
Inilatag ni Ms. Joy Montalbo ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga adhikain ng samahan kabilang ang 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na gaganapin mula November 25 hanggang December 12 taong kasalukuyan. Ang programang ito ay sinang-ayunan ni Samahang Batangueña President Atty. Gina Reyes-Mandanas na aktibong nakiisa kasama si Chief of Staff Ms. Abel Bejasa at iba pang representante ng iba’t ibang bayan.
Sa pangunguna ng PSWDO, magkakaroon ng mga pagsasanay para sa kagalingan ng mga kababaihan. Una dito ay ang mga Practical Skills at Development Trainings na ihahatid sa mga munisipalidad na nagkakaroon ng mga request patungkol dito.
Naghayag naman ang mga miyembro ng bawat bayan ng kani-kanilang mga gawaing pangkababaihan katulad ng mga livelihood projects, programs, activities at trainings na iginawad ng PSWDO at iba pang sangay ng gobyerno. Maaga ding pinagplanuhan ng grupo ang Women’s Month Celebration para sa March 8, 2018.
Jhay Jhay Pascua – PIO Capitol Batangas