Buong suporta sa kapulisan ang ipinagbigay-batid ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas nang dumalo ito sa New Year’s Call at Command Conference na isinagawa sa Batangas Provincial Police Office sa Batangas City noong ika-11 ng Enero 2017 sa pangunguna ni Batangas Provincial Philippine National Police Acting Provincial Director Police Superintendent Leopoldo E. Cabanag.
Ang taunang pagtitipon ay may kaugnayan sa pagbabalik-tanaw sa tagumpay at mahahalagang accomplishment ng BPPO sa nakaraang taong 2016. Naging daan din ang nasabing pagkakataon upang makilala ng kasalukuyang administrasyon ang mga alagad ng batas na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ayon kay Gov. Dodo, kapalit ng serbisyo at proteksyong laan ng kapulisan ay nais niyang magkaloob ng scholarship o educational assistance sa mga anak at maging medical assistance sa pamilya ng mga pulis. Dagdag pa niya na sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay handa siyang tumulong sa anumang pangangailangan ng mga pulis.
Matapos ang New Year’s Call sa gobernador, nagkaroon din ng command conference ang kapulisan at dito tinalakay ang mga plano at hakbangin upang lalong mapaigting ang seguridad ng mamamayan at kaayusan sa buong lalawigan.
Nagdaos ng isang command conference, kasama si Batangas Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas, ang kapulisan ng lalawigan sa pangunguna ni Philippine National Police Acting Provincial Director PSSUPT Leopoldo E. Cabanag sa Camp Miguel Malvar sa Batangas City noong ika-11 ng Enero 2017. Tinalakay ng mga dumalong hepe at iba pang alagad ng batas sa nasabing pagpupulong ang mga plano at hakbangin upang lalong mapaigting ang seguridad ng mamamayan at kaayusan sa buong lalawigan.
Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Eric Arellano
Sinalubong ni Batangas Philippine National Police Acting Provincial Director PSSUPT Leopoldo E. Cabanag at ng mga hepe ng kapulisan ng lalawigan ang pagdating ni Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas para sa kanilang New Year’s Call sa Camp Miguel Malvar. Ang nasabing pagtitipon ay taunang isinasagawa para talakayin ang mga naging tagumpay at mahahalagang accomplishment ng Batangas Provincial Police Office sa nakaraang taong 2016. Ipinakilala din sa gobernador ang mga alagad ng batas na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng mga mamamayan. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Eric Arellano
Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Eric Arellano