Batangas Province Events Center, Pinasinayaan Na

Ika-9 na taong pagkakatatag ng Bahay Pag-asa ng Batangan, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan
March 22, 2025
Mga pang-Agri at Vet na gusali pinasinayaan, kasunduan nilagdaan, proyekto inilunsad ng pamahalaang panlalawigan
March 25, 2025

March 24, 2025

Pormal nang pinasinayaan at binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Batangas Province Events Center (BPEC) na matatagpuan sa loob ng Provincial Sports Complex sa Barangay Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika-24 ng Marso 2025.

Ang inauguration ng naturang pasilidad, na sa kasalukuyan ay may mga tinatapos pang mga bahagi, ay pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas, kasama si Atty. Angelica Chua-Mandanas, at kaisa sina Vice Governor Mark Leviste, AnaKalusugan Congressman Ray Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at mga opisyal at puno ng tanggapan ng Kapitolyo.

Batangas Province Events Center

Ang BPEC ay magsisilbing simbolo ng katatagan, pag-unlad, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Lalawigan ng Batangas, ayon kay Gov. Mandanas. Ang BPEC, na naitayo sa ilalim ng unang tatlong termino bilang gobernador ni Gov. Mandanas, ay kakatawan din sa kagitingan ng mga Batangueño, na mas kilala at napatunayan sa diwa at katagang “Batangas Magiting.”

Layunin pa ng events center na magsilbing venue at magamit sa iba’t ibang mga aktibidad, tulad ng pagdaraos ng mga conferences, sports events, assemblies, concerts o pagtatanghal, at iba pang mga malakihang pagtitipon. Hatid na pagbabago ng BPEC ay ang pagkakaroon ng basketball court na may high-performance sports flooring, courthouse, public restrooms, VIP Lounge, locker rooms/dugout, fully air-conditioned facilities at lounges, at LED centerhung display.

Ang idinaos na programa para sa pasinaya ay sinimulan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ribbon-cutting ceremony, na sinundan naman ng isang na Banal Misa, sa pangunguna nina Sta. Rita De Casia – Batangas City Parish Priest, Rev. Fr. Sam Titular at Msgr. Ernesto “Totit” Mandanas.

Pagpupugay sa bandila

Matapos ito, ginanap din sa BPEC ang regular na pagpupugay sa bandila ng Pilipinas ng pamahalaang panlalwigan, na pinangasiwaan ng tanggapan ng Provincial Assistance for Community, Public Employment, and Youth & Sports Development (PACPEYSDO).

Kabilang sa mga nakilahok at dumalo rito ang mga kawani ng Kapitolyo, ilang mga Local Chief Executives sa lalawigan, mga opisyal at kasapi ng Batangas Police Provincial Office, mga kinatawan ng iba’t ibang national government agencies, ilang mga grupo at samahan sa Batangas, at mga tumatayong lider o representante ng mga volunteer workers at barangay functionaries sa probinsya.

Sa naging mensahe naman ni Vice Gov. Mark Leviste, ipinarating niya ang kaniyang malugod na pasasalamat sa gobernador, at maging sa tagumpay ng pagpapasinaya at muling pagbubukas ng BPEC.

“Ang inyong talino at karanasan, pananampalataya, at karunungan…malasakit at kagitingan ang siyang nagbibigay sa amin ng inspirasyon bilang mga lingkod bayan at Batangueño. Your love and passion for our province remain stronger than ever. The inauguration of our newly-renovated Batangas Provincial Events Center [is] a symbol of your vision for a more progressive, thriving, and competitive Province of Batangas,” saad ng bise gobernador.

Patuloy na maging mabuting halimbawa na mga lingkod bayan

Sumentro naman sa patuloy na paghahatid ng iba’t ibang sersbiyo sa publiko ang mensahe ni Governor Mandanas at kung paano tuloy-tuloy na magiging mabuting halimbawa sa lahat ang mga Pilipinong Batangueño. Bukod dito, lubos din siyang nagpasalamat sa lahat para sa suporta at pagkakaisa para sa lalawigan.

Ayon sa punong lalawigan, “…ito [BPEC] ay maaaring gamitin, nang sa gayon ay tunay na makakatulong tayo sa ating mga kababayan. Gusto nating ipakita na ginagawa natin ang lahat para lang sa kanilang kapakanan…na magkaroon ng maganda at panatag na buhay. Ito ang ating adhikain.”

Napuno at nakompleto ang kasiyahan ng selebrasyon sa pagtatanghal ng mga kawani ng PACPEYSDO, mga mag-aaral ng Batangas Province Highschool for Culture and the Arts, Batangas State University – Alangilan Indak Yaman Dance Varsity, kasama si Atty. Angelica Chua-Mandanas, Capitol All-Stars, at paghahandog ng awitin ng kilalang multi-awarded artist at pop rock singer-songwriter na si Yeng Constantino.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Macc Venn Ocampo / Francis Milla / Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.