Daan-daang Punla ng mga Puno, Itinanim sa Batangas Province Kaugnay ng National Arbor Day

Invitation to submit quotation – (Small Value Procurement)
July 6, 2022
Plake ng Pagkilala Kaugnay ng One Million Trees Project, Iginawad sa Lalawigan
July 6, 2022

July 6, 2022

@ Montevil Trading Corporation sa Brgy. San Marcelino, Taysan, Batangas
@ Monte Maria Shrine sa Barangay Pagkilatan, Batangas City

Nagtanim ng mga punla ng Molave, Kamagong at Narra sa Taysan, Batangas bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng “National Arbor Day”, na isinasagawa tuwing ika-25 ng Hunyo bawat taon.

Ang Arbor Day sa Pilipinas ay itinakda sa pamamagitan ng Proclamation No. 643 na na-amyendahan ng Proclamation No. 396, s 2003 na nagbibigay-diin sa pangangailangang isulong ang isang malusog at maayos na ecosystem para sa mga tao sa pamamagitan ng rehabilitasyon, pagpapanumbalik at pagpapanatili ng isang malinis at luntiang kapaligiran.

Sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), nasa 150 na mga punla ng Molave, Kamagong at Narra ang itinanim sa isang pribadong lupa na malapit sa isang quarry site sa Brgy. San Marcelino, Taysan, Batangas, kasama ang mga kawani ng nasabing quarry site at mga barangay officials.

Nagsagawa din ng pagtatanim ng 210 na punla ng Narra, Bignay, Duhat, Calamansi, Guyabano, Kasoy at Pili sa Monte Maria Shrine sa Barangay Pagkilatan, Batangas City, kasama ang Provincial Bureau of Fire Protection, sa pangunguna ni Provincial Director Superintendent Nonilon L. Macasadia II, at katulong si G. Siong, na isa sa mga nangangasiwa ng Monte Maria.

Magsasagawa ng regular monitoring ang PGENRO upang matiyak na napapangalagaan ng tama ang mga itinanim na punla para mabuhay at tuloy-tuloy ang paglaki at kaligtasan.

Ang mga nasabing punla ay kaloob ng mga pribadong kompanya ng katuwang ng pamahalaang panlalawigan para sa mga nasabing mga gawain.

Samantala, nagsagawa din ng pagtatanim ng mga puno at halaman ang iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan kaugnay ng Arbor Day, katulong ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, pribadong sektor, mga paaralan, mga grupo ng lipunang sibil at mga mamamayan.

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.